Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Sinantomas

Malapit na kamag-anak ng Kaldereta na nagmula sa Quezon province. Ito ay inihahanda na ang sangkap ay pork spareribs na iniluluto ng mahabang oras kasama ang tomato sauce, pineapple juice, soy sauce at keso.

Sangkap:
  • 1kg pork spareribs, hiwain ng serving size
  • 2 pirasong katamtamang laki ng kamote, hiwaing pakuwadrado
  • 1 tasang green peas
  • 1 malaking bell pepper, hiwain
  • 2 tasang pineapple juice
  • 2 tasang chicken stock
  • ¼ tasang tomato sauce
  • ¼ tasang tomato catsup
  • 1 buong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
  • 3 piraso ng kamatis, tadtarin
  • ½ tasa ng grated cheddar cheese
  • 4 kutsara ng soy sauce
  • 3 kutsara ng patis,
  • Paminta
  • Mantika
Paraan:

1. Sa isang malaking lalagyan o container, pagsamahin ang pork spareribs, pineapple juice, soy sauce at patis. I-marinada sa loob ng 2 oras.
2. Sa isang kaserola, lagyan ng mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
3. Ihalo ang kamatis at ituloy ang paggigisa sa loob ng 2 minuto o hanggang lumambot ang kamatis.
4. Ihalo ang pork spareribs kasama ang pinagbabaran (marinada), ilagay ang chicken stock at pakuluin. Pakuluin sa loob ng 45 minuto.
5. Ilagay ang kamote, green peas, bell pepper, tomato sauce at tomato catsup. Ituloy ang pagpapakulo sa loob ng 10-15 minuto o hangang ang kamote ay lumambot.
6. Ilagay ang keso at haluin ang sabaw hanggang matunaw ang keso. Lasahan ng patis kung kinakailangan at paminta at saka ihain.

For more recipes, please visit www.angsarap.net