Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Fumiya Sankai: Japanese YouTuber, May Pusong Pinoy

Sa henerasyon ngayon na ang lahat ng tao ay mayroong iba’t ibang social medias, hindi na tayo magtataka kung bakit maraming millennials ang gustong maging isang tanyag na YouTuber. Ngunit, ang pagiging sikat sa social media ay mahirap mapanatili. Kailangan maging malikhain at mapagmasid sa paligid para sa iyong viewer.

Isa si Fumiya Sankai sa sumisikat ngayon na Japanese YouTuber sa Pilipinas. Mayroon na siyang 189k subscribers sa kanyang YouTube channel. Ang 23 taong-gulang na Hapon na ito ay ang pinakamatanda sa magkakapatid sa Sankai Family (ng pamilyang Sankai). Mayroon siyang 1 nakababatang kapatid na babae at 2 nakababatang kapatid na lalaki na minsan ay kasama niya sa kanyang mga nakakatuwang videos. Hilig ni Fumiya ang mga damit kaya naman pinapangarap niya na magkaroon ng sariling clothing line sa Pilipinas.

Inumpisahan ni Fumiya ang paggawa ng video taong 2016. Subalit, hindi inaasahan ni Fumiya na magiging hit ang kanyang videos sa mga Pilipino kaya naman lubos ang kaligayahan niya at asahan din ng mga fans na magkakaroon siya ng mga orihinal na kanta na ilalagay niya sa kanyang channel.

Dahil sa pagmamahal niya sa Pilipinas, mahigit 5 beses na siyang nakabisita rito. Nagustuhan niya ang mga pagkaing Pinoy gaya ng kaldereta, sisig, adobo at leche flan. Nag-audition din siya sa Pinoy Big Brother sa kagustuhan niyang makita ang sarili sa telebisyon. Handa rin siyang manirahan sa Pilipinas panandalian kung mabibigyan ng pagkakataon na matanggap siya sa PBB. At kung papalarin siyang maging artista sa Pinas at magkaroon ng leading lady, si Kim Chui ang nais niyang makapareha.

Marahil nga si Fumiya ay isang 100% na Hapon subalit kamangha-mangha ang kanyang pagkagiliw sa ating bansang Pilipinas. Marami pa sana siyang mabigyan ng inpirasyon, na kung ang isang banyaga ay kayang magmahal sa bansang Pilipinas, sana mas lalo pa tayong mga Pinoy.

YouTube Channel: FumiShun BASE
Facebook Page: FumiShun BASE
Twitter: @fumfumfum3
Instagram: @23shun_base