Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Spanish Meatballs with Clams, Chorizo & Squid

Sangkap:
  • Meatballs
  • 300g chorizo, hiwaing manipis
  • 300g pusit, pineapple cut
  • 400g clams
  • ½ tasang white wine
  • ½ tasang pork stock
  • 2-3 katamtamang laki ng kamatis, tadtarin
  • ½ kutsaritang cayenne pepper
  • 3 pirasong bawang, tadtarin
  • parsley, tadtarin
  • olive oil, pangprito
  • lemon

Meatballs

  • 400g minced pork, 15% fat
  • 1 tasang breadcrumbs
  • 2 kutsarang butter
  • 1 kutsaritang smoked paprika
  • 3 maliit na sibuyas, tadtarin
  • 4 pirasong bawang, tadtarin
  • 2 kutsarang dry sherry
  • 1 itlog
Paraan:
  1. Sa pan, tunawin ang butter at igisa ang maliit na tinadtad na sibuyas hanggang lumambot ang mga ito.
  2. Idagdag ang paprika at bawang at igisa sa karagdagang 1 minuto.
  3. Ilagay ang sherry at ilagay ang breadcrumbs, haluin at patayin ang apoy.
  4. Ibuhos lahat sa mangkok at idagdag ang giniling na baboy, paghaluin gamit ang kamay at ilagay ang itlog. Gumawa ng meatballs at itabi.
  5. Gamit ang parehong pan, ihanda sa susunod na proseso, punasan ng paper towel at lagyan ng konting mantika para sa susunod na pagprito.
  6. Iprito ang meatballs sa loob ng 5 minuto para magkulay light brown. Gawin ito sa mga susunod na meatballs at itabi.
  7. Gamit ang natirang mantika sa pan, igisa ang bawang at chorizo. Lutuin sa loob ng 1 minuto.
  8. Idagdag ang cayenne pepper at ilagay ang white wine, pork stock at kamatis. Pakuluin at ihalo ang meatballs at clams. Takpan at hayaang kumulo sa loob ng 5 minuto sa mataas na temperatura ng apoy.
  9. Bawasan ang init ng apoy at ilagay ang pusit at ituloy ang pagluluto sa karagdagang 3 minuto.
  10. Budburan ng parsley at lasahan ng asin at paminta.