Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Caldo de Res

Ang Caldo de Res ay isang klase ng beef soup na parang nilagang baka sa atin sa Pilipinas. Ang pagkakaiba nito ay may halo itong kamatis, jalapeno at cilantro. At ang ibang sangkap ay ang katulad ng sangkap sa nilagang baka.

Sangkap:
  • 1½ kg beef shanks
  • 1 400 g latang chopped tomatoes
  • 4 tasang beef stock
  • 2 patatas, hiwaing pakwadrado
  • 2 carrots, hiwaing pakwadrado
  • 2 corns, alisin ang buhok at hiwain
  • 1 maliit na repolyo, hiwaing pahaba
  • sariwang coriander, tadtarin ang iba pandekorasyon sa ibabaw
  • juice mula sa 1 lemon
  • 1 sibuyas, tadtarin
  • paminta
  • asin
  • mantika
Paraan:
  1. Hilamusan ang baka ng asin at paminta.
  2. Painitin ang mantika sa kaserola at ilagay ang beef shanks at iluto hanggang magkulay brown ang bawat side nito. Hanguin at itabi.
  3. Ilagay ang sibuyas at ibalik ang baka. Ibuhos ang chopped tomatoes at ang beef stock at dagdagan ng tubig. Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng isa at kalahating oras sa mababang apoy. Dagdagan ng tubig kung kinakailangan.
  4. Idagdag ang carrots, patatas, corn at ang tinadtad na coriander. Pakuluin sa loob ng 20-30 minuto o hanggang ang gulay at medyo lumambot.
  5. Ilagay ang repolyo at pakuluin sa karagdagang 10 minuto.
  6. Ilagay ang lemon juice, lasahan ng asin at paminta at ihain na may coriander sa ibabaw.