Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Hawaiian Garlic Shrimp Scampi

Sangkap:
  • 500 g hipon, may balat at buntot, alisin ang ulo
  • ½ kutsarang harina
  • ¼ kutsaritang cayenne pepper
  • 50 g butter
  • 1½ kutsarang olive oil
  • 6 pirasong bawang, tadtarin
  • 2 kutsang white wine
  • ¼ kutsaritang asukal
  • 1 kutsaritang patis
  • juice mula sa ½ lemon
  • paminta
  • asin
  • tinustang bawang pang-dekorasyon
Paraan:
  1. Sa isang mangkok, pagsamahin ang harina at cayenne pepper, ihalo ang hipon para mabalutan ng harina.
  2. Sa pan, tunawin ang butter at ilagay ang olive oil. Sa mahinang apoy, igisa ang bawang hanggang bumango ito.
  3. Ilagay ang mga hipon kasama ang white wine, patis, asin at asukal. Iluto sa loob ng 5 minuto sa mataas na temperatura ng apoy habang hinahalo o hanggang ang hipon ay maluto.
  4. Patayin ang apoy at ilagay ang juice mula sa lemon sa ibabaw at lagyan ng paminta. Lagyan sa ibabaw ng tinustang bawang.