Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Sinigang na Ulo ng Salmon sa Miso

Hindi maikakaila na ang sinigang (kahit paanong paraan at kahit anong sangkap) ay laging paborito ng mga Pinoy. Baboy, baka, isda o hipon, ito ang pangkaraniwang sangkap na ginagamit sa sinigang. Ang recipe na ito ay ulo ng salmon sa miso.

Sangkap:

  • 2-3 pirasong malaking ulo ng salmon, hatiin at hiwaing pahalang
  • 1 packet ng Tamarind Mix (Sinigang Mix)
  • 3 malaking kamatis, hiwaing maliliit (chop)
  • 1 malaking red onion, hiwaing maliliit
  • 1 bungkos ng spinach
  • 2 pirasong siling haba
  • ½ tasang puti o dilaw na miso
  • patis
  • paminta
  • 1 litrong tubig

Paraan:

1.  Lagyan ng tubig ang kaserola at ilagay ang kamatis at sibuyas. Pakuluin.
2.  Kapag kumulo na ay ilagay ang isda, miso at tamarind sinigang mix.  Pakuluin sa loob ng 15 minuto o hanggang maluto.
3.  Ihalo ang spinach at siling haba at pakuluin pa sa karagdagang 2 minuto.
4.  Lasahan ng patis at paminta.  Ihain kasama ang mainit na kanin.

Para sa iba pang recipes, bisitahin ang www.angsarap.net