Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Corned Beef Spaghetti

Sangkap:

  • 500 g spaghetti noodles
  • 400 g canned corned beef
  • 2 kutsarang liver spread
  • 1 punong kutsarang tomato paste
  • 1 malaking size ng bote ng sweet style tomato ketchup o banana ketchup
  • 1 lata ng chopped tomatoes o tomato puree
  • ½ tasang beef stock
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 1 malaking puting sibuyas, tadtarin
  • Paminta
  • Asukal
  • Asin
  • Mantika

Paraan:

1.  Lutuin ang spaghetti noodles na ayon sa instruction sa pakete.
2.  Sa isang malaking pan, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. 
3.  Ilagay ang corned beef at lutuin sa loob ng 5 minuto.
4.  Idagdag ang tomato ketchup, tomato puree, tomato paste, liver spread at beef stock. Haluin at hayaang kumulo sa loob ng 20 minuto.  Dagdagan ng tubig kung kinakailangan.
5.  Lasahan ng paminta, asin at asukal (kung gustong medyo matamis).  Pakuluan sa karagdagang 5 minuto.
6.  Ilagay sa serving plate ang lutong spaghetti noodles at ilagay sa ibabaw ang sauce at lagyan ng kinudkod na keso.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net