Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Sinanglay

Sangkap:
  • 1 malaki o 2 katamtamang laki ng tilapia o snapper
  • Malaking dahon ng pechay, alisin ang tangkay
  • 8 pirasong cherry tomatoes, hiwain sa dalawa
  • 2 x 400 ml lata ng coconut milk
  • 200 ml ng coconut cream
  • 4 pirasong siling haba (green finger chillies)
  • 4 maliit na sibuyas, hiwaing maliliit
  • 1 maliit na piraso ng luya, pitpitin at hiwaing maliliit
  • 2 tangkay ng lemongrass, kulay puting parte lamang
  • 6 pirasong bawang, dikdikin o pitpitin
  • patis
  • asin
  • paminta
Paraan:
  1. Sa isang kawali, ilagay ang gata, shallots ( sibuyas na mura), lemongrass at bawang. Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 30 minuto sa mataas na temperatura ng apoy hanggang mabawasan ang likido sa kalahati. Makikitang unti-unting lumalapot ang likido at makikita rin na ito ay nagu-umpisang magmantika na mula sa gata.
  2. Lasahan ang isda ng asin at paminta, ibalot ito sa dahon ng pechay, dahan-dahang ilagay ang isda sa kawali at takpan ito. Ipagpatuloy ang pagluluto sa loob ng 10 minuto.
  3. Alisin ang lemongrass at ilagay ang cherry tomatoes, finger chillies ( siling haba) at coconut cream, pakuluin ay hayaang kumulo sa karagdagang 10 minuto. Lasahan ng patis at paminta. Ihain habang mainit.