Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Chicken Marbella

Sangkap:
  • 12 pirasong chicken legs
  • ½ tasang prune, walang buto
  • 1 dosenang, (pitted) green olives, walang buto
  • 3 kutsarang capers
  • 3 kutsarang red wine vinegar
  • 3 kutsarang olive oil
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at tadtarin ng maliit
  • 1 kutsarang dried oregano
  • 2 bay leaves (laurel)
  • 3 kutsarang brown sugar
  • 1/3 tasang white wine
  • tinadtad na parsley
  • paminta
  • sea salt
Paraan:
  1. Sa isang mangkok na malaki, ipagsama ang chicken, prunes, olives, capers, garlic, dried oregano, red wine vinegar, olive oil, bay leaves, paminta at sea salt. Takpan at hayaangmababad ang mga chicken sa buong magdamag sa refrigerator.
  2. Ilagay ang chicken sa baking dish na nakahilera, Ibuhos ang pinagbabaran sa ibabaw ng mga chicken, budburan ng brown sugar at ibuhos ang white wine. I-bake sa loob ng 45 minuto sa 180C na pinainit na oven. Habang niluluto ang mga manok ay pahiran ng marinada para maging mas malasa.
  3. Pagkaluto ay alisin sa oven at dekorasyunan ng parsley at ihain.