Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

Shibuya Stream: A New Place to Experience Authentic International Cuisine

Marami sa mga turista ang nakakaalam na ang Shibuya Station ay isa sa pinaka-busy na train stations sa buong mundo. Ang pagbabago ng paligid ay nais ng mga namamahala ng Shibuya Station na i-develop ang naturang istasyon. Ito ay ang Shibuya Stream, isang proyekto kung saan gagamitin ang dating Toyoko Line Shibuya Station, ang railroad site at maging ang paligid nito. Ang southern part ng Shibuya Station ay na-transform para sa makabagong panahon. Inihahanda rin ang Shibuya Stream para sa karagdagang atraksyon sa darating na 2020 Tokyo Olympics.

Ang Shibuya Stream ay nasa Shibuya River kaya ito ang main focus ng creators nito. Ni-recruit ng tagapamahala ng Shibuya Stream ang 30 negosyo na ang target ay adults na may kani-kanilang lifestyle. Iba’t ibang restaurants na itinayo ang pagpipilian habang nagre-relax.

Address: 〒150-0002 Tokyo-to Shibuya-ku, Shibuya 3-21-3

Access: Tokyu Toyoko Line, Denentoshi Line, Tokyo Metro Hanzomon Line, Fukutoshin Line “Shibuya Station” 16B exit direct connection

Bokkoku kaiten tori sakaba (Mexican Bar) – Isang bar-style restaurant na may authentic Mexican dishes na mula sa Osaka na nangungunang to go out shop ng mga taga-Tokyo.

Location: 1st Floor
Business Hours: 11:00 AM ~ 12:00 MN (Last order: 11:30 PM)
Tel: 03-6419-7519
Website: http://querico.jp/
Corresponding menu language: English

Instagram by crybabykiri

Spice Lip (Thai & Asian Bistro) – Thai cuisine at Asian bistro naman ang ino-offer ng shop na ito. Ang mga chef na tinawag na “Western food heavyweights” kung saan nag-i-specialize sa Thai food and spice. Ang menu ay kumbinasyon ng sweet and sour taste na infused sa Thai cuisine. Ipinagmamalaki nila ang “Green Curry” kung saan gumagamit sila ng maraming spices na nakaka-attract sa maraming customers.

Location: 2nd Floor
Business Hours: 11:00 AM ~ 11:00 PM (Last order: 10:00 PM)
Tel: 03-6427-1284
Corresponding menu language: English

Instagram by emilyanhirose

Xiringuito Escribà (Spain)Ito ay isang seafood restaurant na nag-o-offer ng kanilang masasarap at iba’t ibang klase ng Paella mula sa Barcelona, Spain. Nagbukas noong 1992 at patuloy pa rin ang pagsisilbi ng masarap na menu mula sa Spain sa loob ng mahigit sa 25 taon. Ang kanilang “colorful sangria” na may seafood extract na paella kasama ang “Galician dish” at “Ceviche” na gumagamit ng sariwang seafood ay sadyang katakam-takam.

Location: 3rd Floor
Business Hours: 11:00 AM ~ 5:00 PM (LUNCH LO 5:00PM) /  5:00 PM ~ 11:00 PM (FOOD LO 10:00 PM / DRINK LO 10:30 PM)
Tel: 03-5468-6300
Website: http://xiringuitoescriba.jp
Corresponding menu language: English

Instagram by escriba_japan

Craft Beer Tap Grill and Kitchen (Beer Bar) – Ang authentic na beer bar kung saan makakakita ng iba’t ibang craft beer mula sa iba’t ibang bansa. Maraming pagpipiliang klase ng bottled beer na in-import mula sa iba’t ibang bansa at mayroong 45 uri ng beer.

Location: 3rd Floor
Business Hours: 11:00 AM ~ 11:00 PM (LO FOOD 10:00 PM, DRINK 10:30 PM)
Tel: 03-6427-5768
Website: http://www.world-liquor-importers.co.jp/craftbeertap/
Corresponding menu language: English

Instagram by misha_march.p

Dairen Gyouza Kichi Dalian (Dumplings/Chinese Cuisine) – Kung ikaw ay mahilig sa homemade dumplings at authentic Chinese cuisine, ang Dalian shop ang the best na puntahan. Iba’t ibang klase ng dumplings mula sa fresh meats, vegetables at seafood.

Location: 3rd Floor
Business Hours: LUNCH / 11: 00 AM ~ 4: 00 PM (LO 4: 00 PM) / DINNER / 4: 00 PM ~ 11: 00 PM (LO 10: 30 PM)
Tel: 03-6805-0670
Website: http://asian-table.jp/
Corresponding menu language: English

Instagram by haruka_t

Kushitei (Deep-fried Japanese Dishes) – Ang “Kushitei” ay isang deep fried shop kung saan ang mga karne, vegetables at seafoods ay nakatuhog sa skewer at may masarap na lasa.

Location: 3rd Floor
Business Hours: LUNCH / 11:00 AM ~ 2:30 PM (LO 2:00 PM) / DINNER / 5:00 PM ~ 11:00 PM (LO 10:30 PM)
Tel: 03-6427-6694
Website: http://www.real-taste.net/
Corresponding menu language: English, Chinese and Korean

Instagram by foodkuniokun

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *