Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Wholesome

Early Christmas Preparations: The Right Time to Put up Your Christmas Tree

Christmas Tree Photo by Thomas Kelly via Unplash.com

Para sa Roman Catholics, naging tradisyon na ang paglalagay ng Christmas tree sa hapon ng Christmas eve sa bawat tahanan. Pero sa pagdaan ng mga panahon, ang festive mood na dala ng season ay nagbibigay ng excitement sa bawat isa sa atin na maglagay ng mga palamuting pang-Christmas sa mas maagang panahon. Kaya naman pag sumapit na ang ber months, nag-uumpisa na ang iba na maglagay ng dekorasyon.

Pero kailan nga ba talaga dapat ilagay ang Christmas tree? May nagsasabi na ang tamang panahon nang paglalagay ng Christmas decorations ay sa pag-uumpisa ng Advent (religious name para sa pag-uumpisa ng Kapaskuhan). Ang Advent ay apat na linggo bago mag-Pasko. Para sa taong ito ay December 2 ang umpisa ng Advent. May suggestions din na December 6 dapat umpisahan ilagay ang Christmas tree para pagpupugay na rin kay St. Nicholas (Santa Claus).

Iba’t ibang paraan nang paglalagay ng Christmas decorations. Mayroong mamahalin at DIY (Do-It-Yourself). Narito ang ilang suggestions na kung saan makakabili ng Christmas decorations.

Christmas Company

364 days Christmas Eve ang theme nito. Stylish at trendsetting na sadyang popular sa mga mamimili. Iba’t ibang produkto na mabibili sa online at kanilang store.

Photo from their official website

Address: 150-0033 Tokyo-to, Shibuya-ku, Sarugaku-cho 29-10 Hillside Terrace C-13
Tel: 03-3770-1224
Business hours: 11:00 AM-7:00 PM
Website: http://www.christmas-company.com/

Tokyo Onishi

Ang kumpanyang ito na nagde-develop ng decorative materials na ayon sa current situation na base sa bansang Europa at Amerika. Pagkatapos ng digmaan, ang Christmas ay in-accept bilang isang event na ise-celebrate sa Japan.

Photo from their official website

Tokyo Shop: 111-0053 Tokyo-to, Taito-ku, Asakusabashi 3-1-10
Tel: 03-3862-0241
Osaka Shop: 540-0029 Osaka-fu, Osaka-shi, Chuo-ku, Honmachi-bashi 7-18
TEL: 06-6941-1881
Website: http://www.tokyo-onishi.com/

Franc Franc

Isang Japanese home goods store kung saan ang mga produkto ay mabibili online at sa store. Ang concept ay simple at stylish. Ang kanilang makikinang at makukulay na ornaments ay sadyang nakakaanyaya sa mga mamimili.

Photo from their official website

Website: http://www.francfranc.com/shop/default.aspx

Zara Home

Isa sa mga paboritong home accessory stores sa Japan dahil mura at trendy ang kanilang Christmas decors. Mayroon silang online store para sa mga customer na gustong magorder at kung gusto naman magpunta sa store mismo ay narito ang ilang information.

Photo from their official website

Website: http://www.zarahome.com/jp/en/

3 Coins Store

Mayroon silang iba’t ibang klase ng home goods, dekorasyon, clothes wear, cute at functional items sa murang halaga na sadyang kinababaliwan ngayon ng mga mamimili.

Instagram @3coins_official

Website: http://www.3coins.jp/

Tin Toy Museum and Store

Nagbukas noong 1986 at hanggang ngayon ay pinupuntahan pa rin ng masugid na customers dahil makakakita ng iba’t ibang klaseng toys at Christmas decorations na sadyang makukulay.

Instagram: @christmas_toys_yokohama

Website: http://www.toysclub.co.jp/
Address: 231-0862 Yokohama-shi, Naka-ku, Yamate-cho 239
Store hours: (Weekdays) 9:30 AM ~ 6: 00 PM (Weekends and Holidays until 7:00 PM)
TEL: 045-623-1696

IKEA

Kilala ang Ikea sa homegoods, decorations at ornaments na maraming pagpipiliang designs na sadyang kaiga-igaya para sa mga mamimili.

Photo from their official website

Website: https://www.ikea.com/jp/en/
TEL: 0570-01-3900

Don Quixote

Ito ay may ino-offer na iba’t ibang klase ng holiday gifts, lights, party costumes na in time sa nalalapit na Christmas parties. Halagang abot-kaya ng bulsa at modern ang designs. Karamihan sa stores ay 24/7 kaya tamang-tama sa mga gustong mag-shopping sa gabi.

Twitter @donki_donki

Website: http://www.donki.com/en/