Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Community Watch

Ang Matagumpay na Meet and Greet ni Sarah G. sa Yokohama

Noong Septyembre 30, 2018 (Linggo) ay ginanap ang movie screening ng Ms. Granny sa Yokohama Izumi Kokaido. Kahit na may bagyo at malakas ang ulan ng araw na iyon ay marami pa rin ang nagpunta. Napanood ang nakakaantig na pelikula ng dalawang beses sa magkaibang oras. Pagkatapos, nagkaroon ng meet and greet sa Popstar Royalty. Nagpakuha rin ng litrato, nagpa-video greeting at nakipag-usap kay Sarah. Ang lahat ay nasiyahan ng nakita sa personal ang kanilang hinahangaang singer at actress. Naroon din ang ibang media partners at mga sponsor ng event. Ang Philippine Digest ay nagpapasalamat sa WorldCom at Viva Films na maging cover si Sarah G. sa aming September issue ng magazine.