Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

KZ Tandingan pasok na bilang regular contender sa “Singer 2018” sa China

Tuloy ang pamamayagpag at pagbabandera ni KZ Tandingan ng Pinoy talent sa China matapos siyang maitanghal na isang ganap na regular contender sa top-rating show na “Singer 2018”.

Para maging isang regular contender, kinailangang pumasok ni KZ sa top four ng overall rankings mula sa unang dalawang performances niya sa programa bilang isang challenger. Sa ngayon, nasa ikatlong pwesto siya sa rankings laban sa pito pa niyang kalaban sa kumpetisyon.

Para sa ikalawang episode ng pagtatanghal ni KZ noong February 16, nakuha niya ang ika-anim na puwesto pagkatapos niyang mag-perform ng medley ng popular na Mandarin love songs, kabilang na ang awiting “The Pain Which You Don’t Know.

Dahil sa overall ranking na kaniyang nakuhua mula sa pinagsamang ranking ng kaniyang dalawang performances, nakaiwas si KZ mula sa elimination at nanatili sa kumpetisyon bilang isang regular contender.

Matatandaang pumasok si KZ bilang isang challenger sa February 9 episode ng programa, kung saan nanguna siya sa ranking matapos awitin ang sarili niyang rendition ng Adele hit na “Rolling in the Deep,” at tinalo ang kaniyang music idol na si Jessie J.

Sa dinami-rami ng mga bansang pwede nilang kunan ng talent, napili nila ang Pilipinas. Ang i-represent ang original Pilipino music (OPM) sa isang bansa na hindi palaging napapasukan ng international artists ay isa nang premyo na hindi kayang bilhin ng salapi,” sabi ni KZ.

Dagdag pa niya, “Nakaka-proud maging Pinoy. Nagpapasalamat ako na nagkarooon tayo ng ganitong opportunity.

Magbabalik si KZ para sa isa na namang performance at makakaharap ang isang bagong challenger sa “Singer 2018” ngayon, February 23, Biyernes.

Kailangang iwasan ni KZ na mapunta sa bottom spot upang umabot siya sa finale ng kasalukuyang season ng programa na magaganap sa April 13. Napapanood ang “Singer 2018” sa Hunan TV.