Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Senator Jinggoy Estrada, Binatikos dahil sa Koreanovela

Samu’t saring batikos ang inabot ni Senator Jinggoy Estrada nang kanyang nais ipagbawal ang pagpapalabas ng mga Korean telenovela  sa Pilipinas.

Aniya, hindi ito nakakatulong sa industriyang Pilipino dahil mas tinatangkilik pa ang dayuhan kesa sariling atin at mas lalong naaapektuhan ang mga Pinoy made na palabas sa telebisyon.

Nabanggit ni Senator Estrada ang kanyang balakin sa pagdinig ng Senado sa panukalang 2023 budget ng Film Development Council of the Philippines. Aniya, dahil sa mga foreign telenovela na ipinalalabas sa Pilipinas ay mas lalong tumatamlay ang hanapbuhay ng bawat artistang Pilipino.

Maraming netizens ang nag-react sa balakin ni Estrada, anila, bakit pakikialaman ang kung ano ang gustong panoorin ng mga tao, isa na itong pagsikil sa karapatan ng isang manonood kung ano ang kanyang gustong panoorin.

Mungkahi naman ng iba ay dapat pagbutihin pa ng paggawa ng maayos ng pelikula at teleserye sa Pilipinas para hindi sila napag-iiwanan ng mga foreign teleserye.