Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Maria Clara at Ibarra’ marks milestone achievements in its first two weeks

Ang pinakabagong primetime masterpiece ng GMA Entertainment Group ang ‘Maria Clara at Ibarra’ ay kasalukuyang usap-usapan ng mga manonood.

Ang historical portal fantasy series na ito ay nanguna hindi lang sa rating charts, napasama rin sa top trending topics sa Twitter sa unang dalang linggo nitong pagpapalabas sa telebisyon.

Napanatili ng programa ang mataas na ratings na 14.8 percent base sa  Nielsen’s TAM preliminary/overnight data.

Natalo rin nito ang katapat na palabas na Darna na nakakuha lamang nng 7.2 percent mula October 3 hanggang 7.

Maganda ang feedback ng mga netizens sa naturang palabas dahil may educational value ito na naituturo sa mga manonood.

Pinangungunahan ni  2016 Fantasporto International Best Actress and Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na gumaganap bilang si Klay, kasama rin si Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose bilang si Maria Clara, at ang  Kapuso Drama King na si Dennis Trillo bilang si Ibarra. Ang Maria Clara at Ibarra ay tumatalakay sa mayamang kasaysayan ng Pilipinas kasama na ang ilang crucial issue ng sosyedad. “They discussed education, labor, misogyny, and ethnocentrism in a span of three episodes. GMA is brave enough to tackle feminism in the recent episode of MCI. This only manifests that they are taking our free TV experience into a more realistic point of view,” ayon sa isang netizen.

Sa kabuuan ay puring-puri ng mga manonood ang naturang serye.  Kasama rin sa cast ng Maria Clara at Ibarra bilang mga suporta at gumaganap ng mahalagang papel ay sina  Mr. Tirso Cruz III bilang si  Padre Damaso; Ms. Manilyn Reynes bilang si  Narsing; Rocco Nacino bilang si Elias; Mr. Juan Rodrigo bilang si Kapitan Tiago; Ms. Ces Quesada bilang si Tiya Isabel; Mr. Dennis Padilla bilang Mang Adong; Mr. Lou Veloso bilang si Mr. Jose Torres; Ms. Gilleth Sandico bilang si Donya Victorina; Karenina Haniel bilang si Victoria. At si Andrea Torres na gaganap bilang si Sisa.

Mapapanood gabi gabi sa GMA at GTV.