Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

DOJ Secretary Remulla, Pinagbibitiw!

Kamakailan ay nahuli ang anak ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na nagpasok ng isang package ng kush marijuana na nagkakahalaga ng P 1.3 milyon.

Sa pamamagitan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at sa pakikipagtulungan ng Bureau of Customs ay nasabat nila ang anak ni Secretary Remulla na siyang tumanggap ng package sa pamamagitan ng entrapment operation.

Agad naman nagbigay ng pahayag si Remulla ukol sa pangyayari at idiniin na hindi siya makikialam sa imbestigasyong gagawin sa kanyang anak.

Subalit ang mga tinuran ni Remulla ay hindi sapat sa mga ilang sektor ng lipunan dahil mas mabuti anila na magbitiw na lang siya sa pwesto para hindi mabahiran ng pagdududa ang kung anumang magiging hatol ng korte laban sa kanyang anak.

As of this writing, nanindigan pa rin si Remulla na hindi siya bababa sa pwesto at kinausap na niya ang Pangulong Marcos ukol dito. Aniya, kung sabihan siya ng Pangulo na kailangan niyang bumaba sa pwesto ay gagawin niya pero hangga’t naririyan pa rin ang tiwala sa kanya ng punong ehekutibo ay itutuloy niya ang pagsisilbi sa taumbayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *