Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Ruru Madrid: The Next Big Star

Nag-aaral pa lang siya ng high school ay pangarap na niyang makapasok sa mundo ng showbusiness kaya noong 2012 ay sumali siya sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break ng GMA Network.  Hindi man pinalad ay napansin naman siya ng GMA executives kaya nabigyan siya ng ilang proyekto sa GMA 7 at ang isa sa pinaka-big break niya ay nang mapasama siya sa remake ng Encantadia at gumanap sa mahalagang papel na Ybarro/Ibrahim.

Sa teleseryeng Encantadia napansin ng husto at unti-unting nagningning ng bituin ni Ruru hanggang sa nasundan pa ito ng iba pang proyekto sa GMA 7.

Si Ruru ay isa sa mga homegrown loyal Kapuso artists na matiyaga, masipag at dedicated sa kanyang craft.

Nagpapasalamat siya sa GMA Network sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad upang mahasa pa ng kayang talent, hindi lang sa pag-arte kundi maging sa pagho-host, pagsasayaw at pagkanta.

Sa kasalukuyan ay kasama siya sa mga regular performers ng All Out Sundays na napapanood linggu-linggo sa GMA 7 at ang pinakabago niyang fanta-serye na matagal ding hinintay ng kanyang mga tagahanga ang,”Lolong.”

 

Ang pinakamalaking adventure-serye ngayong taon ang Lolong, na sadyang ipinagmamalaki ni Ruru at buong cast dahil kakaiba sa mga seryeng ipinalabas ng GMA Network. Ang concept ng seryeng ito ay ang extra ordinaryong pagkakaibigan ng isang tao ay malahiganteng buwaya.

This is my 10th year in showbiz at ito ang project na ibinigay sa akin. I’m just very lucky at ganito kaganda ‘yung materyal namin, ganito kaganda ‘yung cast. I learned so much from the show,” paglalahad ni Ruru.

Kasama niya sa naturang serye ang mga bigating artista na sumusuporta sa kanya, sina Christopher de Leon at Jean Garcia.  Idinerehe nina Rommel Penesa at Conrado Peru.

Kasama  rin sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.

 Kasama rin ang iba pang bigatin at beteranong artista tulad nina Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, at Ian de Leon. At ang iba pang magbibigay kulay sa serye sina  Marco Alcaraz, DJ Durano, Mikoy Morales, at Maui Taylor.  Para sa special roles naman sina  Ms. Gina Pareno, Pokwang, Mon Confiado, Ryan Eigenmann, Leandro Baldemor, at Abby Viduya.

As a child, Lolong (Ruru) developed an affinity with animals through the help of his parents Gloria (Abby) and Raul (Leandro). They introduced him to a unique friend – a gigantic crocodile who they named Dakila. Immediately, Lolong and Dakila formed an unusual bond.

Actually, ang adventure-serye na Lolong ay tatlong taong ginawa bago naipalabas sa telebisyon dahil napag-abutan ng lockdown at hindi naging madali sa kanila ang pagte-taping dahil na rin sa health protocols na sinusunod kaya excited ang lahat ng cast na maisalang na sa ere at mapanood ng mga loyal Kapuso viewers ang kanilang pinaghirapan.

This is going to be a very entertaining teleserye, I am sure of that. This is going to be a roller-coaster ride for everyone. I am proud of this project,” sabi ni  Christopher.

Sa kabilang banda naman, inamin ni Jean na naging close na lahat ng cast sa isa’t isa, “I’m so proud of this group. Iba ‘yung pagmamahal, yung passion, yung galing,yung pag-aaral–na isinapuso nila rito for Lolong.

Ang ideya ng pagbuo ng  crocodile-themed drama series na ito ay nagmula kay award-winning broadcast journalist at GMA News pillar na si Jessica Soho at ang  Assistant Vice President for GMA Public Affairs na si  LJ Castel.

Sa unang gabi ng pagpapalabas pa lang ng Lolong ay umani na kaagad ito ng papuri sa lahat ng manonood dahil full packed action and adventure ang kanilang napanood.

Nagpapasalamat ang lahat ng cast sa mga manonood at umaasa silang tatangkilikin ng manonood hanggang sa huli.

At mabuhay kay Ruru Madrid dahil napatunayan niya na isa siya sa maipagmamalaki ng GMA Network at ngayon ay maituturing na siyang isa sa mga iidolohin sa primetime teleserye.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *