Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Pinakupsan

Sangkap:

  • 1 kg fatty pork belly, hiwaing pakuwadrado

  • 2 kutsaritang asin

  • 2 kutsarang suka

  • paminta

  • 1 tasang tubig


Paraan:

  1. Ilagay ang lahat ng sangkap sa kawali at pakuluin.  Takpan ang kawali at hayaang kumulo sa loob ng 20 minuto.

  2. Alisin ang takip ng kawali at ituloy ang pagluluto hanggang maubos ang likido ang unti-unting magmantika ang baboy, ituloy ang pagluluto hanggang maluto ang baboy sa sarili nitong mantika. Maaaring tumagal ito ng 15 hanggang 20 minuto. Ituloy ang pagluluto hanggang lumutong ang baboy at maging kulay golden brown.

  3. Alisin ang baboy mula sa kawali gamit ang  slotted spoon, ilagay sa platong may paper towel para maalis ang extrang mantika.

Photo and recipe credits: www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *