Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Dagdag sa Pension ng Senior Citizen, naisabatas na

Nag-lapse into law ang panukalang  batas na gawing Php1,000 ang buwanang pension ng mga hirap sa buhay na senior citizen kaya naman makakaasan ang mga matatandang mahihirap na sila ay makakatanggap na ng P1,000 kada buwan.

Ang dating tinatanggap ng mga mahihirap na matatanda ay P500 kada buwan sa ilalim ng R.A. 11916.

Inihayag ni Senator Joel Villanueva ( Senate Majority Leader), siya ang may akda ng naturang panukala na ang layon ay upang mabigyan ng benepisyo ang mahigit sa 4 milyon seniors sa kanilang social pension.

P22 bilyon hanggang P24 bilyon ang kakailanganin taun-taon para mapondohan ang karagdagang social pension para sa mahirap na senior citizen.

Nilinaw din ni Senator Villanueva na hindi pa nakapaloob sa 2023 budget ang dagdag na social pension pero may posibilidad na may pagkuhanan sila ng pondo mula sa ibang ahensiya ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *