Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Rights of Foreign Worker in a Japanese Company Under Coronavirus

Nang panahong nagu-umpisa pa lamang lumaganap ng coronavirus ay marami na sa ating mga OFWs ang nangangamba dahil maaapektuhan ang kani-kanilang trabaho. Marami rin ang nag-desisyon na umuwi sa kani-kanilang pamilya dahil hindi nila alam kung ano ang susunod na mangyayari dahil mabilis ang pag-spread ng virus at marami ang nasasawi.

May mga manggagawang no work no pay at nahihirapan silang makaagapay sa kanilang gastusin. Mayroon din namang mga OFWs ang nag-desisyong manatili sa kanilang trabaho pero may bahid pa rin ng pag-aalala dahil lockdown noong mga panahon na yun at sarado ang mga kumpanya. Ganyan ang nangyari sa Pilipinas na maraming naapektuhan dahil tigil trabaho natural tigil sweldo rin.

Sa bansang Japan naman ay ipinaiiral hanggang sa kasalukuyan ang pagtrato ng tama o fair sa foreign workers nila sa panahon ng pandemya. Ang Ministry of Labor ng Japan ay naglatag ng kanilang guidance sa mga kumpanya para sa mga dayuhang manggagawa sa panahon ng covid-19 crisis. Well, hindi rin naman na bago ang kanilang guidelines dahil ito rin ang kanilang guidelines bago pa magpandemya at sa panahon ng pandemya. Dapat tratuhin ng tama ang mga dayuhang manggagawa.

May mga kumpanyang nagpatuloy pa rin na bukas na dumanas ng hirap sa panahon ng state-of-emergency sa Japan. Ine-expect na rin naman na may magsasara pansamantala dahil hind nila kayang ituloy ang kanilang operasyon dahil na rin sa banta ng covid virus. At sa mga manggagawang pwersahang napu-furlough kaya nagbunsod ang paglalabas ng guidelines ng Ministry of Labor na nakasaad sa 13 iba’t ibang lengguwahe para sa karapatan ng mga dayuhang mangagawa. Karapatan ng mga dayuhang manggagawa na tratuhin kaparehas ng mga Japanese workers.

Kahit na humina ang mga kumpanya dahil sa coronavirus, at nagbabadyang mag-furlough ng tao, hindi maaaring i-pin point agad ang mga dayuhan na unahing i-furlough dahil sila ay may karapatan sa patas na guidelines na ipinapatupad ng Ministry of Labor. Maging ang benepisyo na natatanggap ay dapat patas sa lahat na nagtatrabaho sa kumpanya.

1. Dapat na magbigay ng pay leave allowance ang kumpanya para sa mga dayuhang manggagawa, tulad ng Japanese workers, kapag sila ay pwersahang pinagde-day off o furlough.
2. Ang subsidy o tulong na salapi na binabayaran ng national government sa kumpanya ay para proteksyon sa lahat ng manggagawa ( dayuhan man o Japanese national).
3. Kapag halimbawang sarado ang paaralan na pinapasukan ng anak ay pwedeng mag-day off at gamitin ang vacation days na naipon ng isang foreign worker sa loob ng kumpanya.
4. Hindi pwedeng tanggalin o gumamit ng ( “at will”) sa pagpapataslik ng dayuhang manggagawa. Kung may tatanggalin silang isang dayuhang manggagawa ay dapat i-apply din nila ang rules na ginagamit sa kanilang Japanese workers.

Ina-advise din ng Ministry of Labor sa foreign workers na kumonsulta sa kanilang local labor bureau, labor standards supervision office o public employment security office (Hello Work) kung nangangailangan ng tulong ukol sa labor practice o labor rules.

Employment Service Centers

Ang Real Estate Japan ay isa sa nagbibigay ng impormasyon para sa mga resources. Pero mas mabuting manaliksik maigi ukol sa employment service centers para sa maging mas accurate.

Employment Service Centers for Foreigners

Ang Employment Service Centers for Foreigners na nakalista ay mula sa Ministry of Labor. Ito ay listahan ng mga public employment offices para sa mga dayuhang manggagawa na naninirahan sa Japan na nais makahanap ng trabaho sa mga Japanese companies:

Tokyo Employment Service Center for Foreigners ( https://jsite.mhlw.go.jp/tokyo-foreigner/english.html )

Osaka Employment Service Center for Foreigners ( https://jsite.mhlw.go.jp/osaka-foreigner/e-toppage.html )

Nagoya Employment Service Center for Foreigners ( https://jsite.mhlw.go.jp/aichi-foreigner/english.html )