Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Ang Bagong Normal: Going Digital

Ilang buwan mula nang mag-umpisa ang pandemya ay unti-unting nakaka-adapt ang mga tao sa tinatawag na “new normal” sa kanilang paligid. Although may mangilan-ngilan pa ring medyo pasaway at nakakalimutan ang mga guidelines na ipinatutupad ng pamahalaan ay tuloy pa rin tayo sa ating buhay na may pagi-ingat. LAGI NATING TANDAAN! ANG LAHAT NG NANGYAYARI SA ATING PALIGID AY HINDI BIRO. ITO AY SERYOSO AT KATOTOHANAN. Kapag ikaw ay dinapuan ng virus na ito, it’s either ang buhay mo ay manganganib o makakaligtas pero naroon na ang lahat ng klaseng paghihirap na pagdaraanan mo physically, mentally, spiritually kaya huwag maging matigas ang ulo. Sumunod sa kung ano ang ipinatutupad ng pamahalaan.

Ang bagong normal din ang nagpabago ng pananaw ng mga tao sa pagharap sa pagsubok na dulot ng pandemya at unti-unti nilang ina-adapt ang sarili nila sa paligid na may nakaambang panganib. Malaki ang epekto ng coronavirus pandemic sa ekonomiya sa buong mundo. Malaki at maliliit na negosyo hanggang sa turismo ay apektado. Pero hindi pa rin tumitigil ang mga negosyante kung paano nila isasalba ang ekonomiya. Hind man face to face ay naroon ang digital na kasama na sa new normal. Mga business transactions gagawing online ang perpektong kasagutan sa matamlay na ekonomiya.

Ito na naman ang inaasahan ng mga kumpanyang nais bumangon. Noong panahon ng lockdown, ang mga consumers ay bumaling sa internet o online transactions para magpa-deliver o mag-grocery. Anila, bukod sa mas convenient sa kanila at nasa bahay lang sila habang namimili ay safe pa sila dahil hindi sila mae-expose sa virus. Syempre ang mga deliveries na tinatanggap nila ay may safety measures din para maging mailinis at safe ang kanilang idi-deliver sa consumers.

Hindi na naman bago ang online transactions dahil bago pa man pandemic ay ginagamit na nila ang digital, it just so happen na mas naging popular ito dahil sa pandemic. Lahat ng tao ay nasa loob lamang ng bahay at hindi pwedeng lumabas para mag-grocery, mag-shopping o maglamyerda.

At dahil din sa pandemic ay karamihan sa mga opisina at nagwo-work from home kaya yung mga coffee shops ay bagsak din at nag-digital sila upang maabot ang mga regular costumers nila thru digital ordering. Ito na marahil ang pinaka-mainam na paraan ng pagbi-business sa panahon ng pandemic.

Tulad nga ng sinabi namin, napalaking impact ang naidulot ng pandemic na ito sa buhay ng maraming tao sa buong mundo. Kaligtasan natin ang nakataya dito. Hindi pwedeng pilitin ng mga kumpanya na pumasok ang kanilang mga empleyado kung ito naman ay malalagay sa peligro.

Ang digital ang isa sa paraan upang maresolba ang matamlay na ekonomiya upang unti-unti itong bumangon at makabalik sa normal. Ang bagong normal na yayakapin na rin ng business world upang manatiling nakatayo at magpakita ng compassion sa mga manggagawa o empleyado at sa kani-kanilang customers.

Stay home and safe!