Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Restart the Economy

Nang tumigil ang mundo dahil sa covid-19 virus ay marami ang nag-isip kung paano na ang mangyayari sa lahat. Una na riyan ang ekonomiya ng buong mundo. Paano ito maibabangong muli? Syempre, hindi uusad ang ekonomiya kung hindi bubuksan ang mga negosyo. Nung panahon ng lockdown, ang mga essential businesses lamang ang kailangang bukas tulad ng mga supply chains o warehouses, pharmacy, ospital, convenience stores, supermarkets, grocery stores, garbage collection, healthcare operations, gas stations, ATMs, post office, etc.
Nang i-lift ang lockdown at unti-unti nang binubuksan ang negosyo, unti-unti ring bumabalik ang mga empleyado sa kani-kanilang opisina pero may safety guidelines na dapat nilang sundin.
Ito ay importante para sa mga opisina at negosyong magbubukas, kailangan ay maging maingat sila at sundin ang physical distancing at maging ang kailinisan ng paligid para hindi malagay sa peligro ang mga magbabalik trabaho.

Narito ang ilang hakbang ng gobyerno upang maitayong muli ang ekonomiya:

  1. Use tests to determine immunity
    Ang isang ligtas na opisina o lugar ng trabaho ay susi upang muling mabuksan ang ekonomiya. Lahat ng mga taong naging safe sa loob ng kanilang mga tahanan ay makakabalik ng hindi sila mangangambang sila ay tatamaan ng virus kapag sila ay lumabas at madala nila ang virus pagbalik sa kanilang mga tahanan. Dapat ay i-covid test muna ang mga empleyadong magbabalik trabaho para maging safe ang lahat. May ilang trabahador na pwedeng mag-qualify sa safe workforce kapag maaayos na naisagawa ang test sa kanila at negative ang resulta.
    Inaprubahan ng Federal Drug Administration (FDA) ang bagong test para sa COVID-19 antibodies pero sinasaliksik pa ng scientists kung ang mga taong may antibodies ay immune at kung gaano kalakas ang kanilang immune system at hanggang kailan sila magiging immune sa covid virus.
  2. Certify immunity while protecting privacyAng safe na pagbubukas muli ng ekonomiya ay nangangailangan ng paraan upang alamin kung sinu-sinuo ang immune o nabakunahan na. Since, wala pang bakuna, umaasa pa rin ang mga tao sa pag-test kung sila ay walang lagnat o immune sa virus.
    Kapag nabigyan ng go-signal na pwede na silang magbalik trabaho ay pwede na silang pabalikin ng kanilang opisina, o mga nagtatrabaho sa gobyerno, ospital etc. Pero kung nasa kategorya sila ng high risk at pinababalik na sila ng trabaho dahil pumasa sila sa tests, maaari ring silang magtrabaho na hindi makakaharap sa mga tao o walang human contact.

    Sa ibang bansa ay nagte-test na sila ng mga tao para sa antibodies pero syempre, may nag-aalinlangan pa rin kung ang tests ay efficient. Hindi maiaalis sa mga tao ang magkaroon ng pangamba dahil hindi biro ang tamaan ng covid-19 virus.

Sa China, sila ay nag-issue sa bawat mamamayan nila ng QR codes sa mobile phones na magdidikta kung sila ay dapat nasa loob lang ng bahay o pwede nang lumabas. Ito ang paraan ng gobyerno upang ma-monitor ang mga taong safe lumabas at mga taong high risk.
Pero hindi rin maiaalis ang pangamba ng mga tao sa ganitong sistema ng China dahil pinangangalagaan nila ang kanilang privacy lalo pa’t kailangan sa app ay ang inyong information. Paano kung ang tao ay tested positive? Eh di nawala ang kanilang privacy dahil sa app na dinownload nila dahil lahat ng information nila ay makikita ng lahat.

3. Answer lingering questions
Maraming questions na kailangan ay masagot lalo pa’t kung iko-consider nila ang ganitong paraan dahil baka magkaroon ng diskriminasyon sa mga taong positive sa virus. Ang pagbuo ng safe workforce ay pwedeng paglipat ng workers sa kanilang posisyon na maaaring makaapekto sa mga hindi skilled workers. At upang makatulong sa bagong transisyon na ito dapat na bigyan ng incentive ang mga magbabalik trabaho tulad ng pagbibigay ng pay raise para sa may trabaho na malilipat sa customer-facing position. Ang importante sa lahat ay ang safe workplace para sa mga papasok ng empleyado.

Ang pagbabago ng lipunan dahil sa Covid-19

Hindi natin maiaalis na magkaroon ng 2nd wave kung sakaling i-lift ang restrictions ng stay at home order ng gobyerno, dahil na rin sa pagbugso ng mga tao na nagmamadaling makalabas ay mabalik ang dati nilang ginagawa. Nalimutan nila ang physical distancing, pagsuot ng mask, paghugas ng kamay, pagdala ng alcohol o sanitizer. Lahat yan ay importante lalo pa’t ang buong mundo ay papasok na sa new normal upang maka-survive. Lahat ng tao sa mundo ay umaasang bumalik sa normal ang lahat pero sa ganitong pagkakataon ay dapat na may isaalang alang na sila. Hindi na babalik sa dating normal ang buhay natin. Magkakaroon na ng pagbabago at ito ay dapat nating tanggapin.

May nasagap man tayong balita na ang United States ay mayroon nang natuklasang bakuna kontra COVID-19, pero marami pang tests ang gagawin para makasiguro na ito ay effective at syempre bibilang pa ng buwan bago ito ilabas at sabihin safe na ibigay sa tao.


How Japan’s Economy and Society Will Change After Corona


Malaki ang magiging epekto ng corona virus sa Japan at sa lipunan nito kung magtatagal pa ito. Bagsak ang ekonomiya dahil walang pwedeng lumabas at magtrabaho, karamihan sa negosyo o kumpanya ay sarado. Kung ang growth nila ay mananatiling nasa 1% lamang, siguradong hindi tatagal at magsasara ito. Pero ang flexibility ng gobyerno at ng mga kumpanya na maka-adapt sa malaking pagbabago pagkatapos ng pandemyang ito ay madali rin silang makakabangon.
Ilan sa mga pagbabago ay marami ang nagta-trabaho remotely (work from home) sa kasalukuyan at ang paraan ng pagsuri ng kanilang empleyado ay nagbago rin. Mas tataas ang paraan ng pagha-hire ng Japanese companies ay in progress na.

Ang demand and supply ng empleyado na nagtatrabaho sa opisina ay bababa samantalang ang mga IT related na trabaho ay tataas. Kaya dapat maging handa rin ang mamamayan sa ganitong mga pagbabago dahil sa gusto man natin o hindi, kailangang bumangon ang ekonomiya para maka-adapt tayo sa new normal.