Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

News

Resbakuna sa Botika, Inilunsad na!

Inilunsad na ng Department of Health sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang pharmacy sa bansa ang resbakuna sa botika kung saan, ang eligible na botika ay maaari nang makapagturok ng covid vaccines para madali sa mga Pinoy ang magpunta sa lugar kung saan may bakuna.

Ipinag-utos  ng Pamahalaang Duterte ang mas maigting na bakunahan sa mga Pinoy na hindi pa bakunado para mas ligtas ang bawat Pinoy sa covid virus lalo pa’t tumaas na naman ang cases ng covid.

May paalala lamang ang DOH na sa mga bakunang naka-ready ay ang Sinovac at Astra Zeneca muna ang available sa bawat botika na pwedeng iturok. At ipinaalala nila na ang mga senior citizen ay hindi pwedeng magpunta sa botika para magpabakuna, nais ng DOH na mas matutukan ang pagbabakuna sa mga matatanda kung sila ay sa vaccine facility mismo pupunta. Kapag maganda ang resulta ng itinatag nilang resbakuna sa botika ay maaaring magdagdag pa sila ng ibang brand ng bakuna.

Sa NCR muna ipinapatupad ang resbakuna sa botika at kapag natapos na ang kanilang assessment at maging successful ito, maaari na nila itong gawin sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *