Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Ang Pagbabalik ng mga Prima Donnas

Ang hinangaan at pinanood ng milyun-milyong manonood sa telebisyon na Prima Donnas ay nagbabalik na muli sa telebisyon sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.  Magbabalik sa Prima Donnas book 2 ang sina  Donna Marie, Donna Belle, at  Donna Lyn.

 Excited na ang lahat ng cast na bumalik sa telebisyon at ipadama muli ang heartwarming story ng tatlong Donna na kinagiliwan at minahal  ng bawat manonood sa telebisyon.

Sa pagbabalik ng Prima Donnas ay magbabalik rin ang original cast na kinabibilngan ng tatlong mahuhusay at talented na teen stars ng GMA Network, sina Jillian Ward na gumaganap bilang si Donna Marie, si Althea Ablan na gumagananap bilang si Donna Belle, at si Sofia Pablo na gumaganap bilang si Donna Lyn.  Sa pagpapatuloy ng Prima Donnas at pagbubukas ng bagong yugto ng kanilang kapalaran, sila na ngayon ang mga tagapag-mana ng Pamilya Claveria.

Magbabalik rin  mula sa original casts ang mga batikang artista na sina Katrina Halili na magbabalik bilang si Lilian, Wendell Ramos bilang si Jaime, Chanda Romero bilang si Lady Prima, Benjie Paras bilang si Agaton, James Blanco bilang si Ruben, at ang pinaka-bagong addition sa cast, ang hinahangaan ng lahat na si Ms Sheryl Cruz na gaganap bilang si Bethany Howards.

Ang top-rated series ay magbibigay na naman ng bagong twist sa istorya na siguradong kasasabikan  ng mga manonood dahil dito sa book 2 ay magkakaroon ng rebelasyon na umiikot sa  Pamilya Claveria na siguradong aabangan ng mga manonood.

Isa rin sa kinasasabikang karakter sa Prima Donna ay si Kendra Fajardo.  Yes, magbabalik si Kendra na ginagampanan ng multi-awarded actress na si Ms. Aiko Melendez at ang kanyang ay punumpuno ng paghihiganti.

Magbabalik rin sa highly-successful series na ito ang ilan sa mga  fast-rising teen stars na sina Elijah Alejo na gumaganap bilang si Brianna, Will Ashley bilang si Nolan, Vince Crisostomo bilang si Cedrick, Allen Michael Ansay bilang si Fonsie, at Bruce Roeland bilang si  Hugo.

 Naging successful ang huling bahagi ng naturang teleserye sa kanilang unang season at iniwan sa imahinasyon ng mga manonood na ang numero unong kontrabida na si Kendra ay buhay. Nakaka-shock at nabitin sa panabik ang mga manonood at ngayon sa 2nd season ay masasagot na ang lahat ng katanungan ng mga manonood kung bakit at paano nabuhay si Kendra na alam nilang isang malaking balakid sa buhay ng tatlong Donna.
At sa pagbabalik ni Kendra ay gagawin niya ang lahat para sirain ang magandang relasyon nina Lilian at Jaime at ang kanyang intensiyon na maibalik ang dati niyang buhay na ngayon ay tinatamasa na ng tatlong Donna.
Sa season 2 rin maglalabas ng iba’t ibang mga pinakakatagong sikreto ng pamilya at ang paglabas ng mga bagong karakter na dapat abangan kung sila ba ay kaaway o kakampi.
Dito masusubok ang tibay ng relasyon ng pamilya Claveria upang makamit ang kaligayahan at katahimikan na inaasam ng pamilya. Ang tanong ay kung kakayanin ba ng Pamilya Claveria kasama ang tatlong Donna ang mga pagsubok na ito?
Ang mahusay na direktor ng Prima Donnas ay ang batikang aktres na si Gina Alajar na naglahad na sa pagpapatuloy ng istorya ng tatlong Donna, sigurado na naiiba ito sa naunang season. Ayon kay Direk Gina, “Of course hindi maaalis yung awayan nina Lillian at Kendra. Hindi rin siyempre mawawala yung awayan nina Lillian at Bethany played by Sheryl Cruz.
Magkakaroon din ng awayan ang mga bata. Si Brianna at si Mayi, mayroon. Hindi natin sure kung alin doon ang susundan ng viewers but we make it a point na maging iba ‘yung show sa mga nagawa na namin.”
 “Sa 2nd season rin, mas ipapaliwang din dito kung saan ‘yung pinanggagalingan ng galit ni Kendra. Kung bakit gusto niya makuha ‘yung crown ni Lady Prima, bakit hindi niya ma-give-up ‘yung pagmamahal ni Jaime kahit na harap-harapan na sinasabi sa kanya na ‘hindi kita mahal.’ Lahat iyon, malinaw at inisa-isa namin dito sa book 2.
At sa pagbabalik ng Prima Donnas sa telebisyon, ang tatlong teen stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo ay mas excited sa pagbabalik ng kanilang mga karakter sa telebisyon. Ayon kay Jillian, aminado siya na ninenrbiyos siya at excited dahil noong Book 1 ng naturang serye ay isa sa highest rated daytime show sa Pilipinas at sana ay mapantayan nila o mahigitan pa ang ratings na kanilang natamo at tatamuin sa Book 2 ng Prima Donnas. Patuloy ang magiging pakikibaka ng tatlong Donna at samahan natin sila sa pagpapatuloy ng Prima Donnas book 2. Magsisimulang mapanood ang Prima Donnas sa darating a Enero 24. At para sa recap, ipinalabas muli ng GMA network ang ilang matitinding eksena sa huling bahagi ng book 1.
Ang original series ay sa ilalim ng patnubay nina SVP for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, VP for Drama Cheryl Ching-Sy, Senior Program Manager Redgynn S. Alba at Executive Producer Erwin Hilado. Ang award-winning creative team ng Prima Donna ay pinamumunuan nina Creative Director Aloy Adlawan; Creative Unit Head Dode Cruz; Creative Consultant Kit Langit; Concept Creator Maria Zita Garganera; Headwriter Luningning Interino-Ribay; writers Renato Custodio, Jr., Kenneth Angelo Enriquez, and Wiro Michael Ladera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *