Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

News

Online TIN Registration ng mga OFW para sa BIR, Inaprubahan

Nagpahayag ng pag-apruba ang Bureau of Internatal Revenue (BIR) para sa mga OFW na mag-apply ng Tax Identification Number o TIN na kakailanganin para sila ay makaag-invest sa Philippine stocks.

Layon ng BIR na mabigyan ng magandang oportunidad ang mga OFW na gustong mag-invest at paghandaan ang kanilang pagbabalik-bansa.

Sa kasalukuyan, kinakailangan pa ng personal appearance ng isang indibiduwal mula sa Revenue District Offices para ma-verify ang mga tax information ng isang OFW member sa pagkuha upang ma-verify  ang kanyang mga tax information sa pagkuha ng TIN na hindi magagawa ng mga OFW na wala sa bansa.  At TIN ang importanteng requiement para makapag-bukas ng stock brokerage account.  Sa pagpayag ng BIR,  maaari na silang mag-apply ng TIN sa tulong ng kanilang kinatawan o kanilang email kung maghuhulog sila sa Personal Equity and Retirement Account.