Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

“Rated K” tinupad ang pangarap ng isang guro at isang lola

Hindi lahat ng pangarap ay natutupad, pero para sa isang bayaning guro at matiyagang lola, isang sulat lang sa “Rated K” ang kinailangan nila para magkatotoo ang kanilang hangarin.

Kasama ang Kapamilya artists na sina Erik Santos at Angeline Quinto, agad na inaksyunan ng programa ni Korina Sanchez-Roxas ang mga kakaibang hiling para sa high school teacher na si Beth Sangalang at ang nais maging songwriter na si Francisca Teje o “Lola Fe.

Sinorpresa nina Korina ang guro ng isang live performance mula sa “Prince of Pop” ng OPM, at tinupad naman ang pangarap ni Lola Fe na marinig ang sinulat niyang kanta na inaawit ng “Queen of Teleserye Theme Songs.”

Nakilala ng “Rated K” si Beth sa sulat ng dating estudyante nitong si Arjay Velasco na nais pasalamatan ang kanyang guro na kumupkop sa kanya at nagpaaral sa kanya nung muntik na siyang tumigil sa pag-aaral.

Naging OFW na si Arjay sa Dubai, ngunit hindi niya nakalimutan ang kanyang minamahal na guro na tinuturing niyang bayani. Nag-email siya sa “Rated K” at humingi ng video greeting mula sa paborito nilang singer na si Erik. Pero hinigitan pa ito ng programa na dinala mismo si Erik sa high school reunion nila para personal na awitan ang butihing guro. 

Ang “Rated K” ang premyadong news magazine program ng ABS-CBN na nagta-tampok ng mga kwentong Pinoy na kakapulutan ng impormasyon, aliw, at inspirasyon. Isa rin ito sa mga programa ng ABS-CBN na nag-aabot ng tulong sa mga Kapamilyang nangnangailangan.