Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

StarStruck Season 7: The search is on for the next

Nagsimula na ang original reality-based artista search, StarStruck 7. Mas exciting at mas maraming challenges ang haharapin ng mga contestants. Sa season 7 ng Starstruck, ang magiging hosts ay ang Ultimate Star and StarStruck Season 1 Ultimate Female Survivor Jennylyn Mercado at ang Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Tatlo sa personalities ng entertainment industry ang uupo bilang Starstruck council at judges. Sina Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista, actress par excellence Ms. Cherie Gil, at ang comedian/ host na si Jose Manalo.

Makakasama rin ang multi-talented Kapuso actress na si Kyline Alcantara bilang StarStruck Insider.

Mula sa libu-libong auditionees mula sa iba’t ibang panig ng bansa, 11 kalalakihan at 11 kababaihan ang pipiliin sa pamamagitan ng iba’t ibang pagsubok na tinawag nilang ‘StarStruck Experience’. Pagkatapos ng prosesong ito, ang 22 hopefuls ay haharap sa pinaka-final audition para sa pilot episode ng Starstruck para piliin ang Final 14.

Maging ang Kapuso viewers ay pwedeng bumoto at makisali sa judging process habang pinanonood nila ang finalists na mag-perform.