Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Health

Protect Yourself from Winter Illnesses

Kapag ganitong panahon ng taglamig, hindi maiiwasan ang pagkakatong makakuha tayo ng seasonal influenza at norovirus na talamak sa panahon ng winter. Iba-iba man ang sintomas, ang prevention na dapat gawin ng bawat isa sa atin ay dapat pare-pareho.

Seasonal Influenza

Flu viruses na kumakalat sa pamamagitan ng mga pag-ubo ng taong apektado ng virus o pagbahing o pakikipag-usap sa taong may sakit at sa pamamagitan ng mga bagay na nahahawakan ng may sakit tulad ng door knob, atbp. May mga kasong nahahawahan ng may sakit ang mga taong makakasalamuha nila mula sa unang araw at nade-develop ito sa loob ng lima hanggang pitong araw. Ang biglaang pagkakaroon ng lagnat, pag-ubo, pananakit ng lalamunan, runny nose o baradong ilong, pananakit ng ulo at panghihina ng katawan ang mga sintomas nito. Para maiwasan ito, kapag bumabahing o umuubo, magtakip ng bibig o ilong; gumamit ng tissue; gumamit ng mask; paghuhugas ng kamay hanggang braso ng may sabon at tubig at magpahid ng alcohol o hand sanitizer.

Norovirus 

Ito ang tinatawag nilang winter vomiting disease na sadyang nakakahawa dahil kumakalat ito sa pamamagitan ng kontaminadong pagkain at tubig. Ang mga bagay na nahawakan ng may norovirus ay siguradong mahahawahan agad. Walang vaccine upang maiwasan ang virus at wala ring gamot kaya kapag ang isang taong may norovirus ay dapat na magpahinga lamang sa kwarto at kumain ng masustansiyang pagkain sa loob ng tatlong araw hanggang siya ay gumaling at maka-recover. 
Mapipigilan ang pagtatae, pananakit ng tiyan, pagsusuka sa loob ng 24-48 hours, panghihina, pananakit ng ulo at low grade fever kung magiging malinis sa katawan, palagiang paghuhugas ng kamay, pagkain ng prutas at gulay, paglalaba ng maruming damit nang madalas at pag-init ng pagkain ng tataas sa 85 C sa loob ng 1 minuto.

Rotavirus

Isang klase ng infection na nagdudulot nang pagsusuka na karaniwan sa mga sanggol o mga bata sa buong mundo. Maaaring gamutin ang infection na ito sa loob ng bahay sa pamamagitan ng pagbibigay ng fluids tulad ng juice at tubig upang maiwasan ang dehydration. Kapag matindi ang dehydration ay maaaring dalhin ang may sakit sa ospital upang malunasan sa pamamagitan ng dextrose o IV. Sa developing countries, ang rotavirus ay pangunahing sanhi ng kamatayan sa mga kabataan dahil sa kakulangan ng fluid sa katawan. Bakuna ang makakatulong upang maiwasan ang infection na ito sa mga sanggol. Para naman sa mga limang taon pataas, ang madalas na paghuhugas ng kamay ang pinakamabisang depensa sa infection na ito. Sa mga may edad, hindi masyadong nakakaapekto sa pagkalahatang kalusugan ang rotavirus lalo pa’t kung ang adult ay malinis at healthy ang pangangatawan. 

Wash your hands frequently.

Streptococcal Infection

Isang bacterial infection na nagpapakati o nagpapanakit ng lalamunan na kapag hindi naagapan ay maaaring magbigay ng komplikasyon sa kidney o rheumatic fever. Ang rheumatic fever ay maaaring magdulot ng masakit at inflamed na kasu-kasuan, pamumula ng lalamunan o tonsils, pamamaga ng lymph nodes at lagnat. Ito ay common sa mga bata pero nakakaapekto rin sa matatanda. Kapag nakakita ng senyales ng strep throat ay sumangguni agad sa doktor upang masuri at mabigyan ng kaukulang treatment. Ang mainam na gawin upang malunasan ang infection ay dapat maging malinis sa katawan. Huwag i-share ang mga ginamit na baso, kutsara o tinidor, hugasan ang mga ginamit na eating utensils ng mainit at may sabon na tubig. 

Erythema Infectiosum

Isang acute infection na may kasamang parvovirus B19, nagdudulot ng mild constitutional symptoms at rashes sa pisngi at kumakalat na maaaring magtagal ng isa hanggang tatlong linggo. Sa teenagers o matatanda, naaapektuhan din sila pero hindi ganun kalala. Ang erythema infectiosum ay kilala sa tawag na “fifth disease” at ang sintomas ay nag-uumpisa sa mababang fever hanggang parang sinisipon. Maaaring lumipas ang sintomas at akala ay magaling na subalit dito na mag-uumpisa ang paglabas ng rashes sa mukha na maaaring kumalat sa susunod pang araw. Ito ay nakakahawa lalo na sa mga kalaro ng batang apektado. Tandaan, ang fifth disease ay nakakahawa bago pa lumabas ang rashes. Walang vaccine na magagamit upang maiwasan ito at wala rin paraan upang hindi ito kumalat at makahawa sa kapwa bata. Ang paghuhugas ng kamay lamang ang madalas na ipinapayo ng mga doktor upang maiwasan ang pagkalat nito. Ang virus na ito ay hindi magagamot ng antibiotics. Ang kailangan sa mga apektadong bata ay manatili sa bahay at magpahinga. Sumangguni rin sa doktor para sa kung anumang pwedeng ibigay sa bata kapag may rashes na sadyang nakakairita