Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Prediction in 2019 “Year of the Pig”

Ang taon ng swerte at kasaganaan, pag-iibig at masayang pakikipagkomunikasyon. Sa negosyo, papatok ang kainan, paghahalaman at bukirin. Ang mga pinanganak sa taon ng Rooster, Rabbit, Goat at Tiger, ay aani ng maraming biyaya. Kaya sinupin ang mga biyayang matatanggap lalo na sa pananalapi. Sa Snake at Monkey, medyo magiging tension ang taon kaya magandang mag-relax at mag ehersisyo, magsuot ng mga makukulay na damit. Sa taon ng Pig, magandang magpabasbas para sa high spiritual upang makaiwas sa mabigat na karamdaman. Maghanda ng mga pagkaing dilaw sa lamesa upang anihin ang malaking suwerte sa 2019.

  • Suwerteng Numero: 4, 6 at 8
  • Suwerteng Kulay: Yellow, Gray, Brown at Gold
  • Suwerteng Araw: 2, 7, 10 at 11 kada buwan sa Chinese calendar

RAT: 1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020

Ang pinaka una sa 12 signo ng Chinese zodiac. Paghandaan ang sitwasyon, bago nila harapin ang parating nilang taon sa 2020 taon ng Graba oMetal. Unahin ang responsibilidad sa trabaho at pamilya lalo na sa kalagitnaanng susunod na taon. Siguradong sa taong 2019 maraming makikilala at makukuhangideya na makakatulong sa pagtaas ng posisyon. Umiwas sa speculation para hindimabigo. Sugal, paghiram ng pera at gastos ay iwasan. Kilalanin mabuti angmakakarelasyon.

Suwerteng Direksyon: Timog Silangan at Hilaga

Suwerteng Kulay: Blue, Red at Gold

OX:1913, 1925, 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009, 2021

Magiging maganda ang pagbungad ng taon sa Ox, magkakaroon ng maraming kaibigan at kakilala na daan upang maging maganda at makulay ang iyong taon. Samantalang tahimik at mahiyain ang Ox, maraming matututo sa komunikasyon, na makakatulong sa pananalapi, bagong pag-ibig at relasyon. Maraming tuksong darating kaya iwasan magkaroon ng dalawang karelasyon. Hindi man matingkad ang taong 2018, maraming biyaya ang makakamtan sa dalawang magkasunod na taon.

Suwerteng Direksyon: Silangan at Timog Silangan

Suwerteng Kulay: Blue, Green at Yellow

TIGER:1914, 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010, 2022

Ang biyaya mula sa taong 2018 ay magpapatuloy sa taong 2019. Maraming okasyon na pupuntahan. Magpapatuloy ang magandang relasyon sa pag-ibig. Maraming makikilala at manliligaw. Panatilihin ang malinis na tahanan at kapaligiran, dahil nakasalalay dito ang inyong biglaang suwerte at pangingibang bansa lalo na sa mga buwan ng Abril, Hunyo at Setyembre.

Suwerteng Direksyon: Kanluran at Timog Kanluran

Suwerteng Kulay: Mandarin, Pink at Brown

RABBIT:1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011, 2023

Bagamat nagkaroon ng tension sa taon ng Rabbit simula ng huling buwan ng 2016. Sa taong 2019 babawing muli at maaayos ang lahat. Dahil sa magandang relasyon na meron ang Rabbit at Pig, mas madaling maisakatuparan ang mga plano ukol sa pamumuhay, salapi, trabaho at kapwa-tao. Magaan ang pasok ng pera, may biglaan man gastusin madaling mareresolbahan. Magyoga para sa kalusugan upang malunasan ang paninikip ng dibdib at kakulangan sa paghinga.

Suwerteng Direksyon: Silangan, Timog Silangan at Timog

Suwerteng Kulay: Yellow, Mandarin at Green

Dragon:1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012, 2024

Kung medyo naging mabigat para sa taon ng Dragon ang nakaraang taon, unti-unti namang makakabawi sa taong ito. Kaya magandang magsimulang magplano gaya ng marketing, pagbili ng stocks at pagkuha ng kurso para sa karagdagang kaalaman sa kasalukuyang trabaho. Isakatuparan ang mga hindi naipagpatuloy na gawain sa nakaraang taon. Maraming suwerteng darating sa taon kaya panatilihin ang ideya sa pagkita ng salapi. Iwasan din ang sobrang gastos.

Suwerteng Direksyon: Hilaga at Kanluran

Suwerteng Kulay: Yellow, Mandarin at Green

SNAKE:1917, 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013, 2025

Para sa kalalakihan na ipinanganak ng taong 1989 at 1977, magandang magkaroon ng protection bindesyon upang maiwasan at di mabigat ang taong 2019. Dahil sa hindi kagandahan ang relasyon ng Snake at Pig, magandang mag-relax muna at iwasan ang magplano na di naman kayang tapusin. Maging malinis sa tahanan lalo na ang tulugan at bungad ng pintuan. Maglagay ng halaman at aquarium sa sala. Para makaakit ng swerte, maghain sa lamesa ng mga dilaw, berde at mandarin na prutas.

Suwerteng Direksyon: Hilagang Silangan, Timog Kanluran at Timog

Suwerteng Kulay: Fuchsia Pink, Yellow at Blue

HORSE: 1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014, 2026

Hihirit ang suwerte ng Horse sa taong ito. Marami pa rin siyang aanihing tagumpay. Kaya magandang ipagpatuloy ng kabayo ang kanyang mga aktibong gawain katulad ng pakikipagkomunikasyon, pagtulong sa katrabaho at sa nangangailangan ng serbisyo. Iwasan lamang ang mga sobrang kasayahan na magdudulot ng pagpapabaya ng inyong tungkulin. Magandang magkaroon ng schedule upang walang makaligtaan. May chance makapagtrabaho sa ibang bansa.

Suwerteng Direksyon: Hilagang Silangan, Silangan, Timog Kanluran at Hilagang Kanluran

Suwerteng Kulay: Blue, Silver at White

GOAT:1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015

Harmonious year ang taon para sa Goat. Dahil simula pa lang may taglay na pulang sinulid na nag-uugnay sa maganda at matahimik na samahan. Kaya mapapabilis ang magandang resulta ng iyong gawain, mga aktibidades at proyekto. Magiging romantiko ang taon na magdudulot ng iyong masayang relasyon. 2019 ang taon ng pagbili ng mga property kung kinakailangan. Iwasan ang sobrang tutok sa computer o pagbabasa ng libro sa madilim na silid. Magandang maglagay ng matitingkad na kulay sa sala.

Suwerteng Direksyon: Timog Silangan, Timog Kanluran at Silangan

Suwerteng Kulay: Magenta, Orange at Red

MONKEY: 1932, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016

Hindi man mainam para sa Monkey ang taon ng 2019, magagamit naman niya ang kanyang talino sa pakikipagkomunikasyon. Iwasan lang masyado ang pagiging emotional. Makakatulong din ang taon upang magkaroon ng mapayapang sitwasyon. Sa kalagitnaan ng taong 2019, mararamdaman ng Monkey ang positibong lakas na maghihikayat sa kanya upang gumawa ng maraming magandang plano at proyekto na magdudulot sa kanya ng pag-asenso sa buhay. Makakatulong ang magkaroon ng cash book upang mapangalagaan ang pagbabudget.

Suwerteng Direksyon: Hilaga, Hilagang Kanluran at Kanluran

Suwerteng Kulay: Green, Gray at Yellow

ROOSTER:1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017

Kung naging hectic ang schedule ng Rooster sa taong 2018, sa taong 2019 ay mabibigyan niya ng kaukulang-pansin ang kanyang pribadong buhay pag-ibig. Tatlong mahahalagang parte ng kanyang buhay ang makakaasang maganda ang aanihin. Ang trabaho, salapi at pag-ibig. Dahil sa magandang enerhiya ang dala ng 2019, malayang magagawa ang nais sa buhay. Pagkakataong kumuha ng ibang kurso na makakapagpatatag ng posisyon sa trabaho. Iwasan gumastos at iwasan rin ang paggamit ng credit card sa kalagitnaan ng taon.

Suwerteng Direksyon: Hilagang Silangan at Silangan

Suwerteng Kulay: Yellow, Orange at Pink

DOG:1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018

Kung naging mabigat ang mga hamon sa nakaraang taong 2018. Babawi naman sila sa taong 2019, makakabuting gamitin ang determinasyon sa lahat ng aspeto ng buhay. Gawin ang mga nabinbin na plano at makakabuti rin ang makipag-ugnayan sa mas may edad sayo para mas maging madali maisakatuparan ang mga gawain. Maging maunawain at maging mahinahon sa inyong kabiyak. Para sa walang kasintahan, makakabuti makilahok sa kasiyahan upang magkaroon ng panibagong kakilala. Magiging maamo ang financial at madali ring mapapalago ito, pero iwasan lamang ang mga mamahalin bilihin.

Suwerteng Direksyon: Timog Silangan, Timog Kanluran at Hilaga

Suwerteng Kulay: Pink, Beige at Blue

PIG:1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019

Sila ang pinakahuling itinalaga ni Buddha na isa sa pinakamasuwerteng nagtataglay na hayop sa taon ng mga Tsino. Magandang ihanda ang alkansya para sa simbolo ng inyong tahanan. Sa taon ng Pig, maging maingat sa kalusugan. Higit sa lahat pagtuunan mabuti ang kalusugan. Magiging masaya ang buhay pag-ibig. Dahil sa taglay na kasipagan ng Pig, aani ng maraming biyaya sa taong ito at chance na mapromote sa trabaho. 2019 year of the earth pig ang taon ng pagsasaya at pagkakaibigan. Kaya’t magiging masagana para sa ating lahat ang napakagandang taon. Lalo nating pagpursigihan ang ating buhay na mapaunlad bilang pasasalamat sa ating Panginoon Maykapal.

Suwerteng Direksyon: Hilagang Silangan at Timog Silangan

Suwerteng Kulay: Yellow, White at Red