Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Primetime Majesty – Maja Salvador

PHOTO CREDITS: TV5

Isang taon na ang nakakaraan mula nang ang buong Pilipinas at ang buong mundo ay naka-lockdown. Marami ang nagulat at nagimbal dahil biglang bumulaga ang Covid-19 na mabilis na kumalat at naging pandemic. Habang nasa-lockdown ay nagkakagulo rin ang higher ups at lahat ng empleyado ng isa sa pinaka-malaking network station sa Pilipinas, ang ABS CBN. Dahil nakatanggap ng ceased and deceased order ang pamunuan ng ABS CBN upang ihinto ang operations nito sa May 4, 2020.
Nagkaroon pa ng mahabang imbestigasyon at pakiusap na i-renew nila ang kanilang franchise subalit wala ring nangyari kaya tuluyan nang napatigil ang operations ng ABS CBN. Maraming nalungkot dahil parang kapamilya na ang turing ng mga manood sa lahat ng programa ng ABS CBN. Mula umaga hanggang gabi ay nagbibigay ng saya ang naturang network pero ang batas ay batas at dapat itong isakatuparan.
At sa pagsasara ng naturang network, naiwan sa ere ang mga empleyado at artista ng ABS-CBN. Marami ang nawalan ng trabaho maging ang talents. Hindi nila alam kung saan sila pupunta. Isa si Maja Salavdor sa naapektuhan ng pagsasara ng higanteng network. May nagsasabing sa GMA 7 siya lilipat pero mali ang impormasyon. Bagkus, sa TV5 pumunta si Maja kasabay ng kanyang benefactor na si Mr. M (Johnny Manahan) na itinuring na niyang parang ama.
Naging maayos ang paglipat ni Maja sa kanyang bagong tahanan at nabigyan agad siya ng isang proyekto na sa kasalukuyan ay humataw sa ratings.

Ang pagbabalik ni Maja Salvador sa telebisyon ay sa pamamagitan ng ‘Niña Niño’. Ito ang magiging breakthrough para sa bagong Primetime Majesty na si Maja Salvador habang gagampanan niya ang role na totally different sa mga role na ginampanan niya sa kanyang dating network. Ang mga role kung saan punumpuno ng hatred at distress, dito sa bago niyang role ay kakaiba mula sa lokasyon, bagong paligid, bagong staff, artista na makakatrabaho niya sa kanyang bagong tahanan.

Nagpapasalamat si Maja Salvador sa tiwala ng TV 5 sa pagbibigay sa kanya ng role na ito. Ang “Niña Niño,” ay isang feel good drama comedy kung saan gagampanan niya ang role na Niña, bilang nakakatandang kapatid, kasama si 2017 Cinemalaya Best Actor Noel Comia Jr., na gaganap na nakababatang kapatid sa papel ni Niño.

Ang “Niña Niño” ay istorya ng magkapatid na napunta at nakipagsapalaran sa siyudad at nadiskubre nilang ang siyudad pala ay hindi bed of roses na inakala nila noon. Sa siyudad ay kailangan nilang mag-survive at para maka-survive ay kailangan nilang gawin ang iba’t ibang bagay na kadalasan ay labag na sa kanilang kalooban para lamang may mailaman sa kanilang tiyan. Naging con-artists sila para magkaroon ng konting salapi sa kanilang bulsa at sa kalaunan, may isang pangyayaring nagpabago sa kanilang kapalaran at nagpabago ng kanilang buhay.

Ang bagong serye na ito ni Maja ay nagpapatunay na versatile actress si Maja, kaya niyang magpaiyak, magpagalit at magpatawa sa manonood, patunay na mahusay na actress si Maja Salvador. Kung ikaw ba naman ay nasa lahi ng mga SALVADOR, siguradong mahusay ka.

Noong zoom conference ng “Niña Niño”, may inamin si Maja, “Ngayon ko na-realize ang hirap palang magpatawa, yung hindi OA, hindi pala madali ang maging komedyante,” ayon pa sa kanya, ang pagiging komiko ay challenge at kino-commend niya si Empoy na true comedian na masayang ka-trabaho, “Magaan siyang kasama, patawa lang ng patawa.”

Ang vision ng seryeng “Niña Niño” ay para sa mga nangangarap na maging simple at masaya ang kanilang buhay kahit taghirap sa kanilang paligid.

“This is a very timely story with what is happening in our country right now. Dito sa istoryang ito, it tells na kahit gaano kahirap ng buhay andyan si God, humihingi lang ng atensiyon, todohan lang natin ang pagdarasal,” paglalahad pa ni Maja. Ang bawat episode ay nagbibigay inspirasyon sa mga manonood, ang pagdiskubre sa sarili at pag-adapt sa pagbabago ng paligid upang maging better and stronger person ka pagkatapos ng pinagdaanang hirap.

“Mahirap ang sitwasyon, lagi tayong nag-iisip, may anxiety, disappointment, but kumapit po tayo kay God, palakasin natin ang ating loob, ang ating katawan, and mental health, and pray a lot para magaan ang araw,” ang mensahe ni Maja para sa mga manonood.

At ang lakas ng naturang programa ay bumabase sa istorya na nagpapaunawa sa katotohanang milagro ng buhay habang nakikibaka sa totoong sitwasyon ng kapaligiran.

May nagtanong kay Maja kung nakaranas na ba siya ng milagro sa buhay niya at mabilis niyang sinagot, “Waking up every morning is already a miracle for me.” Nai-share din ni Maja na may pagkakataon na burnt out siya dahil sa daming iniisip at gawain at syempre stressed na rin kaya pag ganun ang nangyayari ay may isang paboritong spot sa bahay si Maja kung saan iniri-release niya ang lahat ng anxieties niya at ito ay ang beach at pagkatapos nun at rejuvenated na siya at na-regain niya ulit ang kanyang strength at vibe para harapin ulit ang mapaghamong buhay.

Inamin din ni Maja na nitong mga nakaraang linggo ay medyo mahirap at malungkot dahil sa pagkawala ng pinsan ng kanyang ina kung saan dito siya tumira noong naguumpisa pa lang siya sa showbiz. “Marami akong natutunan sa kanya, I learned from her a lot, she brought me closer to God by bringing me to church often.” Malungkot man pero hinarap pa rin ni Maja noong zoom conference ang mga reporter na sadyang humanga sa kanya dahil isinantabi niya ang nararamdamang lungkot upang magbigay respeto sa natanguan nang commitment with the reporters para sa promo ng “Niña Niño.”

Ang kasama ni Maja na si Noel Comia Jr. na nakilala dahil sa kanyang performance bilang si Kiko Boksingero na siyang nagbigay karangalan sa kanya bilang Best Actor ng Cinemalaya taong 2017 ay nagapasalamat dahil napasama siya sa serye na ito at nakasama ang itinuturing niyang showbiz gem na si Maja Salvador.

Ang seryeng Niño Niña ay nagpapa-realize sa mga manonood ang totoong healing at pagpapatawad at makita ang kalayaang kanilang hinahanap sa hindi inaasahang lugar o unexpected place.

Kasama ni Maja at Noel ang mahusay na comedian na si Empoy Marquez at ang mga veteran actors na sina Lilet Esteban at Ruby Ruiz, gaganap na lola ng dalawa, up-and-coming actors na sina Ian Pangilinan, Sachzna, at Junyka Santarin, kasama rin sina Arron Villaflor, Moi Bien, at Dudz Teraña. Ang teleseryeng ito ay idinerehe ni Thop Nazareno.

Umaasa ang casts at director na magugustuhan ng mga manonood ang kakaibang entertainement at pag-asa na ibibigay ng seryeng ito. Sa panahon natin ngayon, sino pa nga ba ang hindi maghahanap na makakaibsan ng kanilang lungkot at pangamba dahil sa pandemya. Suportado ng higher management ang naturang show dahil alam nila magugustuhan ito ng mga manonood at tagahanga ni Maja.

Ang teleseryeng Niña Niño ay produced ng Cignal Entertainment at line-produced ng CS Studios at Spring Films sa pangunguna ni Erickson Raymundo, veteran director Joyce Bernal, at top-tier actor Piolo Pascual. Sa kasalukuyan ay humahataw ito sa ratings, patunay na marami ang nagkakagusto sa serye at syempre, apaw pa rin ang suporta ng mga tagahanga kay Primetime Majesty, Maja Salvador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *