Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Starscope for the Month of June 2021

Aries (March 21-April 19)
Taurus (April 20-May 20)
Gemini (May 21-June 21)
Cancer (June 22-July 22)
Leo (July 23-August 22)
Virgo (August 23-September 22)
Aries (March 21-April 19)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Pearl White
LUCKY NOS: 23, 36, 49, 55

Huag pagtuunan ng pansin ang mga lumalabas na balita na hindi naman totoo at magbibigay lang ng negatibo sa iyo. Mas pagtuunan ng pansin ang mga bagay na produktibo at paki-pakinabang na magbibigay sa iyo ng kaunlaran sa buhay.

Taurus (April 20-May 20)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 1, 59, 22, 48
Lahat ng pangarap sa buhay ay matutupad kung bibigyan mo ng sapat na focus. Maging maingat sa pakikisama sa mga taong hindi karapat-dapat pakisahaman at baka dalhin ka lamang nito sa kapahamakan. Iwasan ang masamang bisyo at umiwas na manghiram ng salapi dahil baka mahirapan kang mabayaran at makasira lamang ang pagkakaibigan.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Navy Blue
LUCKY NOS: 43, 26, 39, 26
Ikaw ay likas na matulungin. Nagsimula ka sa ibaba kaya alam mo kung paano ibalik ang grasya sa mga taong nakasalamuha. Ngayong naabot mo na ang iyong pangarap at ikaw ay nakakaangat na, hindi mo rin sila nalimutan. Ipagpatuloy ang iyong magandang hangarin subalit mag-ingat sa mga taong mapagsamantala dahil naghahanap sila ng pagkakataon upang ikaw ay malansi.

Cancer (June 22-July 22)

LOVE:
LUCK:
MONEY:
LO-VIBE DAY:
HI-VIBE DAY:
LUCKY COLOR: Cinnamon Brown
LUCKY NOS: 23, 36, 49
Huwag kang maging ipokrito sa iyong pinanggalingan dahil malalaman at malalaman din ang katotohanan ng iyong buhay. Kung ikaw man ay may suliranin sa ngayon, laging isipin na ang lahat ng bagay na ito ay may solusyon at darating din ang inaasahan sa tamang panahon.

Leo (July 23-August 22)

LOVE:
LUCK:
MONEY:
LO-VIBE DAY:
HI-VIBE DAY:
LUCKY COLOR: Pearl White
LUCKY NOS: 36, 49, 22, 11
Kung ikaw man ay nag pa-planong na magbukas ng negosyo gamit ang computer, suriin itong mabuti para maumpisahan agad. Maging maingat lamang sa pagsasagawa ng online business dahil maraming nag-aabang ng pagkakataon upang makapanloko.

Virgo (August 23-September 22)

LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Blood Orange
LUCKY NOS: 36, 49, 12, 31
Sa hindi inaasahan, madaragdagan ang iyong responsibilidad sa trabaho at sa buhay. Kung ikaw ay mahihirapan man, huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa mga kaibigang malapit sa iyong puso dahil handa silang tumulong sa iyo kahit ano pa man ito.

Libra (September 23-October 23)
Scorpio (October 24-November 21)
Sagittarius (November 22-December 21)
Capricorn (December 22-January 19)
Aquarius (January 20-February 18)
Pisces (February 19-March 20)
Libra (September 23-October 23)

LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 33, 26, 49, 55
Huwag maging negatibo sa lahat ng bagay. Mas piliin ang pagiging positibo at feel good vibes moments sa iyong buhay. Dahil dito magsisimula ang magagandang ideya na makakatulong sa iyong pag-unlad.

Scorpio (October 24-November 21)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Chocolate Brown
LUCKY NOS: 36, 55, 12, 31
Kung bibigyan mo ng pansin ang iyong lovelife, makikita mo rin ang taong iyong hinahanap. Mag-ingat lamang sa mga taong bulang-gugo o matamis magsalita pero manloloko naman pala. Huag magpaloko maging alerto sa ganitong bagay para di ka maloko.

Sagittarius (November 22-December 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Off White
LUCKY NOS: 23, 36, 49, 55
Mag-focus sa ikauunlad ng iyong karera sa pag ne-negosyo. Lahat ng darating sa iyo ay magiging positibo ang feedback. Kahit nasa harapan mo na ang swerte, maging maingat pa rin sa mga desisyon mo dahil baka magkamali ka at mawawala ang lahat na ito.

Capricorn (December 22-January 19)

LOVE: ****
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 46, 29, 51, 26
Kung ikaw ay dumaranas ng depression, pagsumikapan mo at tulungan mo rin ang iyong sarili tulad ng pagtulong ng mga taong nakapaligid sa iyo para maabot mo ang perfect emotional state. Lahat ng suliranin ay mayroong solusyon.

Aquarius (January 20-February 18)

LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Canary Yellow
LUCKY NOS: 56, 28, 23, 11
Ang lahat ng pangarap mo ay matutupad at aangat ang iyong katayuan sa buhay. Dahil dito ay hindi mo kakalimutan ang pagtulong sa iyong mga kamag-anak pero huwag mo lang hayaang ikaw ay abusuhin, laging tandaan, ang blessings ay may hangganan kaya maging wise ka rin sa paggamit ng iyong salapi.

Pisces (February 19-March 20)

LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Burgundy Red
LUCKY NOS: 46, 39, 12, 41
Kung ikaw ay nasa sales ikaw ay magiging masuwerte sa aspetong pagbebenta ng bahay at lupa dahil lagi mong maaabot ang sales quota. Ikaw ay mahusay sa pagsasalita kaya naman madali kang makapagbenta gamit ang pagiging propesyunal sa iyong field.