Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Juicing for Healthy Living

Hindi na bago sa ating pandinig ang juicing. Nagsimula ito sa paggawa ng freshly squeezed orange juice hanggang sa lumawak pa ang iba’t ibang klase ng gadgets na para makapag-juice ng iba’t ibang klase ng prutas na sa totoo lang ay maraming health benefits na makukuha.
May mga bata na mahirap pakainin ng prutas lalo na gulay pero kapag ginawa nila itong juice ay siguradong naiinom ng bata.

Madaling gawin at hindi na kailangang ipagduldulan sa bibig ng bata dahil ang mga kulay nito lalo na kapag ginawang juice ay nakaka-attract sa kabataan. Ang iba’t ibang kulay ng gulay (berde, orange, dilaw) ay nakaka-engganya sa mga kabataan na tikman nila ang juice.

Kung mapapadali nito ang pagpapainom sa mga bata ay madali rin itong i-prepare. Ito ay isang paraan para ma-boost ang immune system ng bata dahil punumpuno ng vitamins at minerals. Kaya kung ikaw ay isang magulang na nahihirapan na magpakain ng bata lalo ng gulay, gawin ang juicing at huwag matakot na mag-experiment dahil siguradong magugustuhan ito ng mga bata.

Narito ang ilang madaling recipes na pwedeng gawin para sa bata;

Green is for go!


2 cups ng fresh wakame seaweed (ibabad sa tubig sa loob ng 5 minuto bago gamitin)
2 carrots
2 malaking apple (red, green o yellow apple)
1 beetroot
1 tasang spinach
fresh na luya, maliit lang
I-juice ang lahat ng sangkap at pagkatapos ay haluin mabuti. Ang mga prutas ay may natural na sugar kaya hindi na kailangan pang lagyan ng asukal pero kung gusto ng mas matamis ay lagyan ng mas maraming apple para mas lalong ma-appreciate ng bata.

Citrus special


8 cups ng watermelon (pakwan)
3 yuzus (Japanese citrus fruit, na makikita sa karamihan ng supermarket)
1 tablespoon ng honey
I-juice o pagsamahin ang lahat ng sangkap at ilagay sa basong may yelo at i-enjoy.

Other juicy delights

Ngayong tag-araw, siguradong maraming gustong kumain ng ice cream, may mas healthier na alternative sa ice cream. Pagsamahin ang paboritong juice ng bata at ilagay sa popsicle mold at ilagay sa freezer at viola! Mayroon na silang popsicle at healthy pa. Pwede rin ito sa plain juice tulad ng lemon, lime, orange at yuzu.

Para naman sa mga magulang, ang juicing ay mahusay na paraan upang ilagay sa inyong paboritong cocktail. Pwede nyong i-juice ang hinog na peaches at ilagay sa champagne flute hanggang kalahati at lagyan ng champagne and viola! Mayroon ka nang Bellini champagne.

Ilan lang yan sa mga tips para sa maayos na kalusugan lalo na at tag-araw at HINDI pa rin tapos ang pandemic. Let us stay Fit and Healthy!

Kanpai!