Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Pork Chops in Creamy Mushroom Sauce

Sangkap:

Pork Chops

  • 5 pirasong malalaking pork shoulder chops, 1 inches ang kapal, hatiin sa dalawa
  • asin
  • paminta
  • mantika

Creamy Mushroom Gravy

  • 3 tasang rich beef stock
  • 250 gramo ng button mushrooms, hiwain manipis
  • ½ tasang cream
  • 1/3 tasang flour
  • 1/3 tasang butter
  • 1 sibuyas na puti, tadtarin
  • 4 piraso ng bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • parsley, tadtarin
  • paminta
  • asin
  • mantika
Paraan:

1. Igisa ang pork shoulder chops sa pan sa loob ng 4-5 minuto o kung ang kabuuan ay kulay brown o hanggang maluto ito, hanguin at itabi.
2. Gamit ang parehong pan at iluto ang mushroom sa loob ng 2 minuto. alisin sa pan at itabi.
3. Ilagay ang butter at tunawin sa mahinang apoy. Igisa ang bawang at sibuyas hangang ito ay lumambot.
4. Ilagay ang flour at haluin hanggang mamuo ito at maging parang paste.
5. Unti-unti ay ilagay ang 3 tasang beef stock habang hinahalo ito.
6. Idagdag ang crea, at ituloy ang paghalo hanggang maging smooth ang sauce.
7. Ihalo ang mushrooms at pork sa pan at pakuluin sa mahinang apoy sa loob ng 5 minuto. Lasahan ng asin at paminta.
8. Hanguin at ilagay sa serving dish. Lagyan ng parsley sa ibabaw. Hayaang sipsipin ng karne ang mushroom sauce at saka ihain.

Para sa iba pang recipes, bisitahin ang www.angsarap.net