Chicken Adobo with Pineapples
Sangkap:
- 1 kg chicken wings
- 225 g latang Pineapple chunks in syrup, itabi ang syrup
- 1 buong bawang, hiwaing maliit
- ½ tasang tubig
- ½ tasang suka
- ½ tasang Philippine Soy Sauce
- 1 kutsaritang cornstarch, kanawin sa
- 3 kutsrang tubig
- 4 pirasong bay leaves
- 2 kutsarang buong paminta
- mantika
Paraan:
1. Igisa ang bawang sa mahinang apoy hanggang mag-brown ito. Hanguin sa pan at itabi.
2. Ilagay ang chicken sa pan na pinaggisahan ng bawang at lutuin hanggang mag-brown ang chicken.
3. Idagdag ang tubig, suka,soy sauce, syrup mula pineapple chunks, pamintang buo, bay leaves at asukal at pakuluin sa loob ng 25 minuto.
4. I-drain ang likido at ilagay sa isang heat proof container at ituloy ang pagluluto sa chicken hanggang matuyo ang sabaw nito at ma-prito sa sariling mantika sa loob ng 5 minuto.
5. Ihalo ang kinanaw na cornstarch sa likido nakalagay sa heat proof container at ibalik sa pan kasama ang pineapple at haluin.
6. Pakuluin sa karagdagang 5 minuto at saka ihain habang mainit.
Para sa iba pang recipes, bistahin ang www.angsarap.net