Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Sopas ala Pobre

Sangkap:
  • 2 kg malaman na leg bones ng karne, pwedeng sabihin
    sa inyong butcher na hatiin ito sa maliit na section.
  • 150 g misua noodles
  • 1 tasang malunggay leaves
  • 1 litrong beef stock
  • tubig
  • ½ thumb size sariwang turmeric, hiwaing manipis (optional)
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 2 sibuyas, hiwain manipis
  • patis
  • asin
  • paminta
  • mantika
Paraan:

1. Igisa ang bawang, sibuyas at turmeri sa kaserolang may mantika.
2. Ilagay ang beef bones at asun at ilagay ang beef broth,haluan ng tubig hanggang matakpan ang beef bones. Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 2 1/2 oras sa mahinang apoy.
3. Ihalo ang misua noodles at dahon ng malunggay, lasahan ng patis at paminta at pakuluin sa  karagdagdagang 10 minuto.
4. Ihain habang mainit.

Para sa iba pang recipes, bisitahin ang www.angsarap.net