Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Pinoy Indie sa GMA Pinoy TV

Inihahandog ng GMA Network para sa mga viewers abroad ang ‘November Indie Fest’ sa Pinoy Indie sa GMA Pinoy TV tuwing weekend simula sa November 5.  Ang mga Indie film na siguradong kagigiliwan panoorin ng mga kapuso abroad na tatampukan ng inyong mga paboritong artista.

 “Lila”  ay kuwento ng isang babae na umiiwas sa kanyang nakaraan at tumira sa tahanan ng isang mabait na landlady kung saan natagpuan niya ang isang diary na na punumpuno ng kahindik-hindik na nakaraan.  Pinangunahan nina Janine Gutierrez at Enchong Dee ang suspense film na ito.

“Instalado” ay isang social science fiction na naka-set sa farming village kung saan, imbes na magbayad para sa kanilang edukasyon, ang mga tao ay magkakaroon ng kaalaman sa pamamagitan ng pagi-install nito sa kani-kanilang utak.  Ito ang magpapaniwala sa kanila na ito ang magiging daan nila upang makaalis sila sa kahirapan at kagutuman. Si Victor (McCoy de Leon) nag-desisyong iwan ang kanyang buhay bilang isang magsasaka at nagtrabaho bilang katulong para makaipon para pantustos sa installation.

  Sina Judy Ann Santos, Iza Calzado, at Agot Isidro naman sa isang drama, “Mga Mumunting Lihim.” Si Mariel, isang homemaker na namatay dahil sa cancer, nag-iwan ng isang kahon na may lamang diaries sa kanyang best friend na si Carly, isang advertising executive. Si Sandra at Olive ay binalaan na huwag basahin ang diary pero hindi napigilan ng na basahin ang diary na siyang naging dahilan para mawasak ang kanilang pagkakaibigan.

Dalawang matandang  unmarried couple ang binago ang kanilang pang-araw-araw na buhay nang ang dating asawa ng babae ay bumalik upang humingi ng tawad at humiling na magbalikan silang muli. “Kung Paano Hinintay Ang Dapithapon” pangungunahan nina Perla Bautista, Dante Rivero, at Menggie Cobarrubias.

Ang GMA Pinoy TV ay nananatiling number one sa ating mga Pinoy viewers sa buong mundo.