Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest NewsSlider

No quarantine na sa mga foreign visitors

Alinsunod sa pagpapalabas ni Pangulong Marcos na boluntaryo na lang ang pagsusuot ng face mask, inaprubahan na rin ng Malacanang ang pagluluwag sa mga panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF) laban sa covid 19. May pagluuwag man ay hindi pa rin tinatanggal ng IATF ang ilang inimum health protocols at panuntunan kapag papasok sa bansa.

Inirekomenda ng IATF ang pagtanggal sa quarantine para sa mga foreign nationals na bakunado pero kailangan pa rin ng 24 oras  antigen test result bago pumasok sa bansa.

Kailangan rin na magpakita ang mga mga foreigners ng proof of vaccination.

Ang pagluluwag ng restrictions para sa mga foreign visitors ay para mas mapalakas ang turismo ng Pilipinas para sa mga foreigners na nais bumisita sa Pilipinas.