Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

ShowbizzSlider

Gerald, Jameson, Jake, at Sam magtutulungan sa kanilang bagong buhay sa “A Family Affair”

Bagong pananaw sa buhay ng magkakapatid na Estrella ang matutunghayan ng manonood sa kanilang pagbabagong buhay bilang buong pamilya sa huling anim na gabi ng “A Family Affair.”

Ayon kay Gerald, ginamit niya ang karanasan nila ng kanyang kapatid sa totoong buhay para magampanan ang role niya bilang si Paco, isa sa kuya na sinusubok itama ang mga nagawang kasalanan ng mga nakababatang kapatid na sina Drew (Jameson Blake) at Seb (Jake Ejercito).

“Kung ano yung dynamics namin magkapatid, in-apply ko dito sa ‘A Family Affair.’ May iba’t iba kaming personalities. Si Paco yung tough love. Parang as brothers, mahal namin ang isa’t isa at gagawin ko lahat para protektahan sila. Kapag may nagawa silang mali, kailangan mo mapa-realize na mali siya para hindi maging cycle,” pagbabahagi ni Gerald.

Babaunin naman ni Sam Milby ang ibang klaseng brotherhood na ipinakita ng magkakapatid sa kwento. Kahit nga raw malaki ang agwat sa pagitan ng kanyang karakter na si Dave at Paco, hindi ito naging hadlang para magtulungang ayusin ang problema nila kay Cherry (Ivana Alawi) pati na sa problemang pambabae ni Seb at ang pagkalulong sa droga ni Drew.

“Siguro yung kahit magkaaway kayo o may problema kayo, you will still be there for each other,”sabi niya.

Sa ngayon, isa-isa na silang sumusubok hilumin ang mga sugat ng nakaraan sa tulong ng isa’t isa. Nakakulong na nga si Drew at pinagbabayaran ang krimen na nagawa niya. Si Seb naman ay unti-unti ng bumabangon sa pagkamatay ng asawa samantalang si Dave ay nagpapagaling sa natamong aksidente.

Samantala, pinili naman ni Cherry na magpakalayo at iwan muna ang asawa na si Paco habang siya ay nagdadalang-tao.

May pag-asa pa kayang magkasundo ang magkakapatid at si Cherry? Makapiling pa kaya ni Paco ang anak?