Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Crispy Dinuguan

Sangkap:

Crispy Pork

  • 1 kg pork belly, (1 malaking piraso, huwag hiwain)

  • 1 buong bawang, pitpitin

  • 1 kutsarang pamintang buo

  • 4 pirasong bay leaves

  • ¼ tasang soy sauce

  • 1 latang lemonade soda (7-Up o Sprite)

  • sea salt

  • tubig

  • Mantika pang deep frying

Dinuguan Sauce

  • Crispy Pork

  • 1½ tasang dugo ng baboy ( pigs’ blood)

  • 3 tasang sabaw ng baboy ( pork stock)

  • 6 siling haba

  • 1 buong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit

  • ½ thumb sized na luya, hiwaing maliliit

  • 1 malaking sibuyas, tadtarin

  • 1 maliit na  pakete ng  sinigang mix

  • 3 kutsarang sukang puti

  • asin

  • paminta

Others

  • Chicharon, tadtarin

Paraan:

Crispy Pork

  1. HIlamusan ng sea salt ang kabuuan ng pork belly at ibalot sa cling wrap at ilagay sa refrigerator sa loob ng 1 araw.

  2. Pagkatapos ng isang araw ay alisin sa ref ang baboy, hugasan  sa running water para maalis ang asin sa baboy.

  3. Ilagay ang baboy sa pressure cooker kasama ang soy sauce, bawang, pamintang buo, laurel leaves at lemonade soda. Lagyan ng tamang dami ng tubig para malubog ang buong baboy.

  4. I-pressure cook sa loob ng  20 hanggang 30 minuto (Depende sa kapal ng  pork belly), ang timing at dapat mag-umpisang sumipol ang nasa tuktok ng pressure cooker.

  5. Kapag malambot na ang baboy at hanguin ito mula sa pressure cooker at i-pat dry ng paper towel.

  6. Kapag tuyo na ang gilid ng baboy ay ilagay ito sa isang container at takpan at ilagay sa ref sa loob 12 oras o hanggang lumamig ito.

  7. Ihanda ang kawali at lagyan ng mantika at painitin. Kapag mainit na ay ilagay ang baboy, sa ilalim ang balat, Ingat sa talsik ng mainit na mantika.

  8. I-deep fry ang baboy hanggang mag-golden brown ito.

  9. Kapag luto na ay hiwaing pakuwadrado.

Dinuguan Sauce

  1. Initin ang mantika sa kaserola at ilagay ang bawang sibuyas at luya at igisa.

  2. Ilagay ang sili, sinigang mix, suka at pork stock, pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto.

  3. Ilagay ang dugo ng baboy at dahan-dahang pakuluin sa loob ng 20 minuto.

  4. Lasahan ng asin at paminta.

  5. Ilagay ang  crispy pork sa dinuguan sauce, haluing mabuti.

  6. Ilagay ang crispy dinuguan sa serving bowl at lagyan ng chicharon sa ibabaw.

Recipe and photo credits: www.angsarap.net