Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Piaparan

Ang Piaparan na tinatawag ding pipaparan o piarun ay klase ng ulam na Maranao style ng pagluluto kung saan ang manok at seafood ay niluluto sa gata na hinaluan din ng bawang, sibuyas, luya, turmeric, spring onion, siling haba, ginudgod na buko, gulay at spices na may palapa. Ang Manok na Piaparan ay may dalawang sangkap tulad ng Beef Pares na inihahain na may soup sa side pero hindi ito ordinaryong soup dahil ang soup ay pinaglagaan ng manok na may gata, sayote, red pepper at spring onion. Ang chicken naman ay may kahalong sapal ng coconut na nilasahan ng turmeric at palapa, mixture ng dinikdik na spring onion, luya at sili kaya naman malasang-malasa ito.

Sangkap

Palapa

  • 4 na tangkay ng spring onions, tadtarin
  • 2 kutsara ng ginger paste
  • 2 pirasong siling haba, tadtarin

Soup

  • 1½ kg chicken legs
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 2 pulang sibuyas, hiwaing manipis
  • 1 tasang coconut milk
  • 6 tasang tubig
  • 1 sayote, hiwain
  • 3 tangkay ng spring onion, tadtarin
  • asin

Piaparan

  • 2 tasang shredded coconut
  • 2 kutsaritang turmeric
  • ½ bell pepper na berde, hiwain
  • ½ bell pepper na pula, hiwain
  • mantika

Paraan

  1. Sa malaking dikdikan, ilagay ang lahat ng sangkap ng palapa at dikdikin ito hanggang maging parang paste. Itabi.
  2. Igisa ang bawang at sibuyas sa kaserola.
  3. Ilagay ang isang kutsarang palapa at ituloy ang paggisa hanggang umamoy ang halimuyak ng iginigisang sangkap.
  4. Idagdag ang chicken at asin, haluin ito hanggang magkulay brown ang chicken at saka lagyan ng tubig. Pakuluin sa loob na 25 minuto o hanggang maluto ang chicken.
  5. Hanguin ang chicken at itabi.
  6. Idagdag ang sayote at iluto sa loob ng 5 minuto.
  7. Ilagay ang gata at iluto sa karagdagang 5 minuto. Ilagay ang spring onion at patayin ang apoy.
  8. Habang ang soup ay kumukulo, igisa naman sa kawali ang natitirang palapa.
  9. Lagyan ng turmeric, shredded coconut, bell pepper na pula at berde. Haluin hanggang ang shredded coconut ay mabalutan ng turmeric.
  10. Ilagay ang chicken sa coconut mixture, haluin para mabalot ang chicken ng coconut. Takpan ang kawali at hayaang maluto sa mahinang apoy sa loob ng 10 minuto.
  11. Ilagay ang chicken at coconut sa serving dish at ihain at ilagay ang soup sa tabi nito.

Note: Traditionally, ang ulam na ito ay hindi iginigisa o ang chicken ay pinaba-brown, kung nais na gawin ang tradisyunal na paraan ay huwag igisa at i-brown ang chicken. Ang paggigisa kasi ay nagpapadagdag ng lasa kaya ito ginawa ng author.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net