Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

I keep coming back to Manila

Ang capital o kabisera ng Pilipinas ay ang Manila (Maynila), isa sa pinakamatandang siyudad at pinaka-over populated sa buong mundo. Maraming beses na nasakop, binayo ng maraming giyera subalit heto at naka-recover at nakatayo pa rin. Ang Maynila rin ang pangalawa sa buong mundo na naaapektuhan madalas ng natural disaster pero gayunpaman ay kinukonsiderang isa sa pinakamayamang siyudad sa Southeast Asia.

Kung matatandaan ang awitin ng bandang Hotdog na “Manila,” nag-eengganyo sa mga Pinoy na nasa ibang bansa para bumalik at dalawin ang Maynila. Halina at balikan natin ang Maynila. Ang siyudad na ating nakagisnan at kinalakhan. Muli nating balikan ang siyudad kung saan maraming magagandang memories at naging inspirasyon para ma-achieve natin ang ating mga pangarap.Kung matatandaan ang awitin ng bandang Hotdog na “Manila,” nag-eengganyo sa mga Pinoy na nasa ibang bansa para bumalik at dalawin ang Maynila. Halina at balikan natin ang Maynila. Ang siyudad na ating nakagisnan at kinalakhan. Muli nating balikan ang siyudad kung saan maraming magagandang memories at naging inspirasyon para ma-achieve natin ang ating mga pangarap.

Rediscover the Old Manila

Ang Manila ay naging upuan ng kapangyarihan sa halos lahat ng naging colonial rulers ng bansang Pilipinas kaya maraming historical sites dito at itinayo noong 16th century  tulad ng unang university (1590), light station (1642), lighthouse tower (1846), water system (1878), hotel (1889), electricity (1895), oceanarium (1913), stock exchange (1927), flyover (1930s), zoo (1959), pedestrian underpass (1960), science high school (1963), city-run university (1965), city-run hospital (1969), and rapid transit system (1984); na ikinonsiderang unang rapid transit system sa Southeast Asia.

Para sa mas authentic na detalye ng matandang Manila ay dinarayo ng mga turista at maging kabataan ngayon ang mga lugar na nagpapaalala ng nakalipas.

National Museum of Natural History


Isa sa mga pinaka popular na museyo sa buong bansa ang National Museum of Natural History. Nagbukas ito noong May 2018. Matatagpuan sa Rizal Park, ito ay parte ng National Museum Complex na may tatlong atraksyon: ang National Museum of Fine Arts, National Museum of Anthropology at National Planetarium.

Location: Agrifina Circle, Rizal Park, T.M. Kalaw Street, corner General Luna Street, Manila.
Hours of Operations: Tuesdays-Sundays, 10:00 A.M. – 5:00 P.M.
Fees: Free          

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang kanilang website:
http://www.nationalmuseum.gov.ph/

Luneta Park

Rizal Park o Luneta na pasyalan ng mga pamilya, couples o mga barkada at turista. Ang dating pangalan nito ay Bagumbayan noong panahon ng mga Espanyol. Ang Rizal Park ay matatagpuan sa kahabaan ng Roxas Boulevard, Manila, katabi ang Intramuros. Isa sa pinakamalaking park sa Asia.

Isa sa importanteng kaganapan sa lugar na ito ay ang execution ng Filipino patriot na si Dr. Jose Rizal noong December 30, 1896 kung saan nagsimula ang Philippine revolution laban sa Espanya. Dito rin sa Rizal Park idineklara ang Declaration of Philippine Independence mula sa Estados Unidos noong July 4, 1946 at kalaunan ay naging lugar ng mga political rallies noong panahon nina Ferdinand Marcos at Corazon Aquino noong 1986 na nag-umpisa ng EDSA Revolution.

Intramuros


Ang Intramuros ay kilala rin bilang “Walled City,” isang lugar na mayaman rin sa mga kasaysayan ng bansang Pilipinas. Batay mula sa kahulugan ng pangalan mismo, “sa loob ng  mga pader,” maaaring ipalagay na ang lugar ay itinayo na may malalakas na pader na bato na nakapalibot at nagpapatibay ng distrito.

Maraming mga makasaysayang lugar at karanasan ang makikita sa Intramuros kagaya ng pedicab, kalesa at lugar kagaya ng Fort Santiago, Manila Cathedral, Bahay Tsinoy, Casa Manila, Silahis, San Diego Gradens, Baluarte de San Diego, Bagumbayan Light Sound Museum at San Agustin Church at Museum.

Location: 1002 Intramuros, Manila, Metro Manila
Schedule: Daily, 8:00 A.M. to 6:00 P.M.

Entrance Fee: PHP 75 for adults; PHP 50 for students (with ID)
Contact: (02) 525-2000

Discover the New Manila

Ang pagbabago ng lungsod ng Maynila ay hindi bigla. Mula sa 16th century hanggang sa kasalukuyan, unti-unti rin nabago ang lugar at dumami na rin ang populasyon sa pagdaan ng panahon. Nagkaroon ng modernisasyon sa kalsada, naging mas maliwanag at dumami ang gusaling nakatayo. Nagkaroon rin ng makabagong museum na dinarayo hindi lamang ng mga kabataan kundi turista rin.

Mind Museum


Ang Bonifacio Art Foundation, Inc. ay nagplano ng kauna-unahang world-class home for science noong 2007 at dahil sa suporta at contributions ng private corporations at indibidwal, binuksan ang The Mind Museum sa public noong March 2012. Layon ng Mind Museum na magbigay ng kakaibang educational experience para sa publiko upang lumawak ang kanilang kaalaman at maunawaan ang kalikasan.

Operations Schedule: 9:00 A.M. – 6:00 P.M  Tuesdays – Sundays  (Closed on Mondays.)

Ticket Prices:
Children 2 feet and below are free. No reservation required. Walk-ins are welcome.
Adults – PHP625
Child or private school student (up to college) – PHP475
*Philippine public school student (up to college) – PHP190
**Teacher – PHP190

Location: JY Campos Park, 3rd Ave, Taguig, Metro Manila

Website: www.themindmuseum.org

Wall Art in BGC – The City as a Blank Canvas

Paano nag-umpisa ang Wall Art na ito sa BGC? Ang Art BGC Mural Festival ay nag-umpisa habang dine-develop ang Bonifacio Global City. Ang Bonifacio Art Foundation, Inc. ay project proponent ng art programs sa BGC kung saan nagtayo ng iba’t ibang monument at installation na unti-unting nagbigay-buhay at personalidad sa empty lots o nakatiwangwang na lupa ng naturang siyudad. Isang LA-based art consultancy firm ang kinausap upang maisakatuparan ang pagtatayo ng larger than life murals na ngayon ay nagki-create ng magandang impression hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo. Magandang puntahan ng pamilya, barkada at turista. Libre sa lahat.

Venice Grand Canal – Mini Italy ng Manila


Ang Venice-inspired na ito na makikita sa Venice Piazza sa McKinley Hill, Taguig City ay kinahihiligang puntahan ng mga lokal at turista. Bukod sa canal na may gondola na siyang pangunahing atraksyon ay may mga restaurant, bilihan ng mga souvenir items para sa mga bisita at state-of-the-art Venice Cineplex din kung saan may limang movie theaters na may reclining chairs na habang nanonood ng sine ay pwedeng mag-relax.

Website: https://www.megaworld-lifestylemalls.com/mall/venice-grand-canal