Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Larang

Linarang or nilarang ay isang Cebuano word na ibig sabihin ay nilaga sa gata at spices. Ito ay Cebuano style ng ginataan. Ang ulam na pwedeng gamitin ay ang Parrotfish (Molmol), Stingrays (Pagi), Marlin (Malasugui), Snakehead (Tasik), Puffer fish (Tagontongan) o Spanish Mackerel (Tanguigue) bilang main ingredient na niluluto sa maanghang na gata at igigisa sa bawang, shallots, kamatis, fermented black beans, sili at pwede ring lagyan ng maasim na sampalok o manggang hilaw o kamias.

Sangkap

  • 1 kg hapuka o grouper, hiwaing pakuwadrado
  • 1 siling pula, tadtarin
  • 1 tasang coconut milk
  • ½ tasang coconut cream or kakang gata
  • 2 tasang water
  • 2 kutasarang salted black beans, durugin ng kaunti
  • 2 pirasong kamatis, tadtarin
  • ½ thumb sized na luya, hiwaing manipis
  • 1 buong bawang, pitpitin at hiwang maliit
  • 3 shallots, hiwaing manipis
  • 2 pirasong siling haba, tadtarin
  • lemon juice
  • sea salt
  • patis
  • mantika
  • chopped spring onions, pang-dekorasyon

Paraan

  1. Lagyan ng asin ang isda.
  2. I-prito ang isda sa mainit na mantika at hanguin pag medyo brown na ang magkabilang sides nito at itabi.
  3. Gamit ang parehong kawaling pinagprituhan ng isda, igisa ang bawang, sibuyas (shallots) at luya.
  4. Ilagay ang kamatis, sili at black beans at iluto hanggang lumambot ang kamatis.
  5. Ibuhos dahan-dahan ang coconut milk, ilagay ang siling pula (red capsicum), hayaang kumulo at habang kumukulo ay ibalik ang isda at hayaang kumulo sa loob ng 5 minuto.
  6. Lagyan ng tubig at kakang gata (coconut cream), hinaan ang apoy at hayaang kumulo sa karagdagang 5 minuto pa hanggang maluto ang isda.
  7. Ilagay ang lemon juice at lasahan ng patis (ayon sa panlasa) at paminta. Ihain at budburan ng spring onion sa ibabaw.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net