Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Community Watch

Philippine Festival 2022 at Yoyogi Park Tokyo, Japan

MERI MATSURI TO ALL!!!
 
Dahil sa Covid-19 dalawang taong walang events sa Filipino Community ng Japan. Ngayon nagbalik ang Philippine Festival 2022 – Meri Matsuri.
 
Dumagsa ang libu-libong Pilipinong galing sa iba’t ibang parte ng Japan. Dalawang araw na nakipag saya at nakilahok sa mga palaro ng sponsors sa event at kumain ng mga Filipino foods na hanggang ngayon ay kinasasabikan ng mga Pinoy sa Japan.
 
At ang most awaited na pinaka sikat na noontime show sa Pilipinas ay dumating rin, walang iba kundi ang “EAT BULAGA” sa pangunguna nina Wally Bayola, Maine Mendoza at Allan K.
 
Lahat ay masaya at maayos na natapos ang Fiesta at umuwi silang may mga ngiti sa kanilang mga labi.
 
Hindi mabubuo ang event na ito kung wala ang mga organizer ng Philippine Festival sa pamumuno nina Ms. Joyce Ogawa – Chairperson, Philippine Festival, Mr. Jodie Alvaran – Chairperson, Philippine Assistance Group (PAG),  Hon. Robespierre L. Bolivar – Chargé d’ Affaires, a.i., Philippine Embassy, Japan and Hon. Mary Joy Ramirez – First Secretary and Consul, Cultural Section.
 
Special thanks to Mr. Jan Michael Acaylar – Chief of Media, Promotions & Public Relations. For inviting us to be a part of this Philippine Festival 2022.
 
Maraming salamat po sa lahat ng dumalo, nakisaya at nakiisa sa pagdiriwang ng Philippine Festival 2022 sa Yoyogi Park, Tokyo Japan. 
 
Photo credits by:
Cherry Hidaki
Kato Motonobu
Jai Ingeniero
Teresa Vargas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *