Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

ShowbizzSlider

‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters’

Nagsimula na ang pinakabagong primetime serye ng GMA 7, mula sa GMA Network at Regal Entertainment ang hit na ‘Mano Po Legacy’, inihahandog ang “The Flower Sisters.”

Ang pinakabagong dramatic soap na ito ay tungkol sa apat na Chua sisters na na hindi padadaig isa isa’t isa at magtatagisan para makuha ang yaman, power at oportunidad na nakahatag sa kanila.  Bawat isa sa kanila ay nakikipagbuno sa kani-kanilang problema at dilemma sa buhay kasama na ang personal na issues.

Ipinagmamalaki ng ‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters’ ang  all-star at powerhouse cast, pinangungunahan ng apat na in-demand actresses sa telebisyon sina Aiko Melendez na gaganap bilang si  Lily, Thea Tolentino bilang si  Dahlia, Angel Guardian bilang  Iris, AT si  Beauty Gonzalez na gaganap bilang si  Violet.

Nagpapasalamat si Aiko sa magandang oportunidad na ibinigay sa kanya ng GMA and Regal, “Itong pagbabalik ko po sa show business ay blessing po, dahil bukod sa makakatrabaho ko si Beauty na dati’y magkatapat ang aming show, nagkaroon ako ng katapat bilang kaibigan. Worth it ang lahat after seeing the trailer of Mano Po 3. I don’t have any regrets na tinanggap ko itong project.” Dagdag pa ni Aiko, “Hindi lang namin ito show ni Beauty or ng Flower Sisters, ito po ay show naming lahat. Makikita niyo po rito sa Mano Po  na lahat po kami ay magsha-shine at dahil ‘yon sa ating directors.”

Nagpahayag din ng kakaibang excitement si Beauty na mapasama siya sa Mano Po legacy,  “Everytime na pumupunta ako sa work, I’m so excited kasi masaya talaga ‘yung set namin. We get to collaborate with our directors and with our co-actors also. You know, I’m very privileged to be part of Mano Po kasi this is a legacy and I thank Sir Joey and Ms. Roselle for choosing me. I’ll make sure that it’s worth it.”

Samantala, challenged naman si Thea sa bagong role na kanyang gagampanan bilang isang mabait na kapatid,  “Nagulat po ako sa trailer kasi doon ko po nakita na ang bait ko rito, ‘di ako sanay. Nahirapan po ako sa light scenes kasi mas at home po ako ‘pag nagsusungit ako. Noong umpisa po, medyo kinakapa ko pa but with the help of the directors po at tuwing sinasabi nila sa akin na ‘Thea mukha kang mataray dito, let’s tame it down.’ Nagpapasalamat po talaga ako na gina-guide nila ako until naging komportable na ako sa character ko.”

Si Angel iman ay very proud din na makasama siya sa malaking proyektong ito, “Una sa lahat, I feel so blessed and grateful dahil ito po ‘yung first serye ko and I’m one of the main cast members na po so sobrang swerte ko na nakatrabaho ko po sina Ms. Beauty, Ms. Aiko, at Thea. Alam naman po natin na napakagaling po nilang mga aktres. Excited akong mas matuto pa kasi kahit na kabado ako sa binigay sa aking role, pinagkatiwalaan nila akong gawin ito. Kaya excited ako kasi I know na there’s room to grow.”

Makakasama sa cast ng The Flower Sisters sina Paul Salas bilang batang Leopoldo, ang patriarch ng Chua family na nag- establish at nagpalago ng kanyang negosyo at naging isang empire mula sa ibaba.  Si Mikee Quintos bilang si Carmen Chua, unang asawa ni Leopoldo na tumulong sa kanya upang maabot niya ang tagumpay at makilala sa alta sosyedad, Rafael Rosell bilang si  Julian, abusive husband ni Violet, Marcus Madrigal bilang Redmond, ang submissive husband ni Lily,  Isabel Rivas bilang Aurora, ang second wife ni  Leopoldo, Bodjie Pascua bilang si Felino, ang malapit na kaibigan ni  close friend of Leopoldo, Johnny Revilla bilang si  Miguel, ama ng asawa ni  Violet, Tanya Garcia bilang Marilou, ina ni  Iris, Sue Prado bilang si  Belinda, ina ni  Dahlia, Maila Gumila bilang si Divina, kapatid ni Leopoldo, Lloyd Samartino bilang si Senyor Leopoldo, Will Ashley bilang si Andrew, pinakamasunuring bunsong anak ni Lily, Miggs Cuaderno bilang si  Petersen, ang rebeldeng panganay na anak ni Lily,  Dustin Yu bilang si  Kenneth, manliligaw ni  Iris na mula sa prominenteng pamilya Chan, Carlo San Juan bilang si  Elvin, loyal at supportive boyfriend ni Dahlia, Mika Reins bilang si Kayla, matigas na ulong stepdaughter ni Violet, at marami pang mahuhusay na artista na kasama sa powerhouse cast ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

Looking forward sa magandang collaboration sa pagitan ng GMA at Regal  si GMA Network’s First Vice President for Program Management Department Jose Mari R. Abacan, “Truth be told, I’m very happy with our partnership with Regal and I think we’re going to have more for GMA and Regal. I hope to have more Mano Po soon and I think this is the biggest among the three.”

Samantala, nagpahayag din ang Regal Entertainment Inc. and Regal Multimedia Inc. COO & Vice President na si Roselle Monteverde ng kasiyahan sa latest series ng Mano Po,”Here in Mano Po, we have three generations na ipapalabas. We have the beginnings, mga anak and then we have ang mga apo. So we’re covering the three generations of Mano Po which is kaabang-abang talaga kasi iba-ibang personalities. It’s so realistic and it’s so inevitable. It can happen to any family and we always say that we want to have a perfect family…we always try to have a perfect family so this is what Mano Po 3 is all about.”

Ang ‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters’ ay idinerehe ng mga mahuhusay na direktor na sina  Ian Loreños, Nick Olanka, at  Sean Lim, ksama sina  Noreen Capili bilang  Creative Manager, ksama rin ang  Creative Head at Head Writer na si Jose Javier Reyes.

Huwag kaligtaan ang ‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters,’ sa GMA Telebabad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *