Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest NewsSlider

Pangulong Marcos, Pinuna ang Nakakalbong Kabundukan

Sunud-sunod ang bagyo at disaster na tumama sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas at ang pagbaha na sadyang nakapaminsala na sa ating mamamayan.

HIndi naman nagpabaya ang pamahalaan sa maagap na pagtulong at paghahatid ng ayuda pero hindi rito natatapos ang usaping landslide at pagbaha.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit ganitong ka-grabe ang nangyari sa ating bansa sa tuwing may bagyong dumarating?  Sa pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga lugar na napinsala ng bagyo, napansin na niya ang nakakalbong kabundukan.  Ang kahalagahan aniya ng mga puno sa kabundukan ay siyang nagliligtas sa mga mamamayan na nakatira sa kapatagan upang maiwas sa ganitong klaseng disaster ng pagbaha at landslide. Kaya tinawag niya ang pansin  ng concerned government agencies na mag-umpisang magtanim ng mga puno upang mapakinabangan ng darating na henerasyon para maiwasan ang malalang disaster tulad nito.