Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

DOLE, Nagpalabas ng guidelines ukol sa Voluntary Face Mask

Pinirmahan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang Executive Order No. 7 na tungkol sa voluntary wearing of face mask in workplaces sa pribadong sektor.

Kaya nagpalabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng guidelines para mas maintindihan ng mga manggagawa at maging ang may ari ng mga kumpanya ang isinasaad ng E.O. No. 7.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, papayagan ng DOLE ang boluntaryong pagsusuot ng face mask kahit sa loob ng trabaho or workplaces pero may mga lugar na obligado pa ring magsuot ng face mask tulad ng healthcare facilities halimbawa, clinic, ospital, nursing homes, mga dialysis centers.  Sa mga public transport kung saan dikit dikit ang mga nakasakay at mga medical transport tulad ng ambulansya, at EMS o paramedic rescue vehicles.

Hindi man obligado ay hinihimok naman  ng DOLE ang ilang mamamayan na sa tinatawag na vulnerable sector. ( may comorbidity, immunocompromised, hindi pa bakuado, buntis etc.)

Sa pangkalahatan, kahit boluntaryo na ang pagsusuot ng face mask, hinihimok pa rin ng kagawaran ng kalusugan na maging maingat pa rin dahil hindi pa rin naman tapos ang pandemya at ang virus ay nasa paligid pa rin.

Ang layon ng Executive Order No. 7 ay upang mas mapabilis na ang paglago ng ekonomiya, less restrictions ika nga ay makakatulong sa pagbangon ng ekonomiya pero dapat pa ring maging maingat.