Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Pancit Malabon

Ang Pancit Malabon, Pancit Palabok at Pancit Luglug, ay magkakapareho sa lasa, hitsura at presentasyon. Ano ba ang pagkakaiba nila? Kung magiging mas mapagmatyag, makikita rin natin ang pagkakaiba;

Noodles – Sa palabok, ang ginagamit nilang noodles ay yaong manipis na rice noodles samantalang ang Pancit Malabon at Pancit Luglug ay mas makapal na noodles ang ginagamit.
Sauce – Ang Luglug, kadalasan ay inilalagay ang sauce nila sa ibabaw ng noodles. Ang luglug ay mas marami kung ikukumpara sa palabok dahil mas maraming sauce ang inilalagay dito. Sa Malabon naman, hindi inilalagay ang sauce sa ibabaw, bagkus ay kahalo na ito sa noodles.
Toppings – Ang Luglug at Palabok ito ay halos magkapareho sa toppings maliban sa Malabon na may karagdagang pusit at smoked fish ( tinapa). Sa palabok ay minsan gumagamit ng giniling na baboy at malilit na hhiwa ng tokwa.

Sangkap

Palabok Noodles

  • 500g thick rice noodles
  • tubig

Palabok Sauce

Note: Kung ayaw ninyong gumawa ng sarili ninyong sauce ay may mabibili kayo na ready mix sauce mula sa Mama Sita, at i-disregard ang step 4 hanggang 6, ( kanawin ang mix sa tubig na pinaglutuan ng seafood.

  • 150g crab meat (laman ng alimasag)
  • 150g crab fat ( alige o taba ng alimasag)
  • 1/2 tasang Smoked fish (tinapa), himayin at tanggalin ang tinik
  • 3 kutsara annatto powder
  • patis
  • 3 kutsara cornstarch
  • 2-3 tasang tubig
  • 4 pirasong bawang, pitpitin at hiwain ng maliit
  • 1 pulang sibuyas, hiwaing maliliit
  • mantika

Palabok Toppings
*I-adjust ang dami ayon sa inyong kagustuhan

  • hipon, may balat
  • pusit,hiwaing pabilog
  • tahong, nasa shell
  • Pork crackling (chicharon), durugin
  • Spring onions, tadtarin
  • Hard boiled eggs, hiwain
  • pritong bawang
  • Lemon, hiwain
Paraan:
  1. Sa isang kaserola, magpakulo ng tubig, habang kumukulo ang tubig ay ilagay ang rice noodles at lutuin ayon sa instructions ng pakete.
  2. Kapag ang noodles ay naluto na, i-drain ito at itabi.
  3. Pakuluin ang hipon, tahong at pusit sa 2 tasang tubig para sa sauce. Kapag naluto na ang mga ito ay i-drain, itabi ang pinagpakuluan at itabi rin ang mga seafood na naluto.
  4. Tanggalan ng balat ang hipon at itabi ang balat. Dikdikin angbalat ng hipon sa pamamagitan ng dikdikan (mortar and pestle) upang mapiga ng husto ang juice mula sa balat ng hipon. Ilagay ang dinikdik na balat sa isang manipis na tela o muslin cloth. Ilublob ang dinikdik na balat sa tubig at i-drain ito at itabi ang likido.
  5. Tanggalin angbalat ng tahong at itabi ito.
  6. Sa blender, paghaluin ang laman ng alimasag, alige o taba ng alimasag, tubig (broth) mula sa pinagpakuluan ng seafood, annatto powder at patis. I-bleend ito sa mabagal na speed sa loob ng 1 minuto. Tanggalin sa blender at itabi.
  7. Sa isang pan, maglagay ng mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
  8. Ihalo ang pinaghalong crab meat mixture at isama ang hinimay na tinapa o smoked fish.
  9. Sa isang hiwalay na lalagyan, kanawin sa tubig ang cornstarch at haluin hanggang sa maging makinis at walang namumuong cornstarch at ihalo sa pan.
  10. Pakuluin ang sauce at hayaang kumulo hanggang sa ito ay lumapot, magdagdag ng tubig kung sobrang malapot. Patayin ang apoy.
  11. Ilagay ang lutong noodles sa isang malaking mangkok at ibuhos ang sauce sa ibabaw nito at ihalong mabuti upang malagyan ang kabuuan ng noodles.
  12. Ilagay ang noodles sa isang malaking serving plate at ilagay ang nalutong seafood, chicharon, spring onion, itlog at pritong bawang sa ibabaw nito.
  13. Magpiga ng lemon sa ibabaw o maghiwa ng lemon at ilagay sa gilid.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net