Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Moroccan Beef Stew

Sangkap:
  • 800 g gravy beef o stewing beef, hiwaing pakuwadrado
  • 2 malaking sibuyas, hiwaing pakuwadrado
  • 1 bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 2 pirasong katamtamang sukat na carrot,hiwaing pakuwadrado
  • 1 latang chickpeas
  • 2 latang pumpkin soup
  • 1 tasang tubig
  • Moroccan spice blend

Moroccan spice blend

  • 1 kutsaritang asin
  • 1 kutsaritang ground cumin
  • 1 kutsaritang ground ginger
  • 3/4 kutsaritang paminta
  • 1/2 kutsaritang ground cinnamon
  • 1/2 kutsaritang ground coriander
  • 1/2 kutsaritang cayenne
  • 1/2 kutsaritang ground allspice
  • 1/4 kutsaritang ground cloves
Paraan:
  1. Ihanda ang heavy pan, Lagyan ng mantika, ilagay ang beef at lutuin ito hanggang magkulay brown.
  2. Hanguin ang beef at itabi, igisa ang bawang, sibuyas, carrots at Moroccan spice blend.
  3. Idagdag ang tubig,pumpkin soup at beef, pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 5 minuto.
  4. Pagkatapos ay ilipat ang lahat sa isang oven proof casserole at ilagay sa 160°C na preheated na oven sa loob ng isa at kalahating oras o hanggang ang beef ay malambot.
  5. Tanggalin mula sa oven. Ihalo ang chickpeas. Lasahan ng asin at paminta. Ibalik sa loob ng oven at hayaang maluto sa karagdagang 30 minuto.
  6. Ihain na may kasamang mainit na kanin.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *