Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

MARIAN RIVERA – HER STORY

Marian Rivera

 

by Mario E. Bautista

UNA naming nainterbyu si Marian Rivera noong 2005 nang ipakilala siya ng TAPE (producer ng “Eat Bulaga”) sa afternoon drama nilang “Kung Mamahalin Mo Lang Ako”. TV ad model siya (for Skyflakes) at suporta pa lang siya noon kay Camille Prats. Kaga-graduate niya ng college sa La Salle in Dasmarinas, Cavite as a psychology major. Gandang-ganda na kami sa kanya noon pa man. Nalaman naming isinilang siya sa Madrid, Spain. Kastila ang ama niya at taga-Cavite ang ina niya. Nang maghiwalay ang parents niya ay iniuwi siya ng ina sa lola niya sa Cavite at ito ang nagpalaki sa kanya. Naging suporta siya sa iba pang soaps like “Agawin Mo Mang Lahat”, “Pinakamamahal”, “Muli” at “Super Twins” ng GMA-7.

Kailan ang maituturing niyang turning point ng career niya? “Definitely noong 2007. Pinag-audition ako ng manager kong si Popoy Caritativo sa ‘Marimar’, local version ng hit Mexicanovela ni Thalia. Tuwang-tuwa ako nang ako makuha at pinareha ko kay Dingdong Dantes. Ayun, naging big, big hit yun.”
May kutob ba siyang it’ll make her a big star? “Wala, pero siempre, panay ang dasal ko. The next year, pinagtambal kami uli ni Dong sa ‘Dyesebel’, hit uli. Tapos, 2009, ginawa naman namin ‘Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang’. After that, sabi ng GMA-7, nakatatlo na kaming soap na sunod-sunod, so pinaghiwalay naman kami at nagsolo ako sa ‘Darna’, na naging big hit din noong late 2009. Noong 2010, reunited uli kami ni Dong sa adaptation ng Koreanovelang ‘Endless Love’ at hit uli yun. 2011 naman, pinagsolo uli ako sa historical epicserye na ‘Amaya’, another hit. Last year, 2012, pinagsama uli kami ni Dong sa ‘Beloved’.”
No wonder siyang itinuturing na Prime Time Queen ng GMA-7 dahil sa sunod-sunod niyang hit soaps. “But in between the soaps, gumawa rin ako ng sitcoms like ‘Show Me Da Manny’ with Kuya Manny Pacquiao at yung ‘Tweets for My Sweet’. Sinubukan ko ring mag-host ng reality show, ‘Extra Challenge’, with Richard Gutierrez. Ngayon namang 2013, nagsolo uli ako in ‘Temptation of Wife’, Koreanovela adaptation din, na salamat naman at tinangkilik din ng viewers kaya big hit din ito sa ere.”

Marian Rivera - 1

Kumusta naman ang kanyang movie career? “Si Mother Lily ang nagpapirma sa’kin ng kontrata sa Regal noong 2006 after mag-hit ang ‘Marimar’. Horror movie ang una kong ginawa sa kanya, ‘Pamahiin’ with Dennis Trillo na kumita naman. Tapos pinagawa ako ng filmfest entries, ‘Bahay Kubo’ with Maricel Soriano and ‘Desperadas’ with sina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto and Iza Calzado na nag-hit in 2007. I also did pala yung ‘One True Love’, a romantic drama with Dingdong. 2008, ginawa ko naman ang Valentine movie na ‘My Best Friend’s Girlfriend’ with Richard Gutierrez na naging blockbuster din. Sa filmfest, ginawa ko naman ang ‘Nieves, Encanto Slayer’ episode sa ‘Shake, Rattle & Roll 10’ at ang ‘Desperadas II’. 2009, I made another horror movie, ‘Tarot’, with Direk Jun Lana and in 2010, ‘You To Me are Everything’, a romantic-comedy with Dingdong na kumita rin ng husto. Sa filmfest that year, entry ko naman ang ‘Super Inday and the Golden Bibe’. 2011, I did the remake of ‘Temptation Island’ at sa filmfest, I did ‘Panday II’ with Sen. Bong Revilla. 2012, wala akong nagawang movie. But this year, tinatapos ko ngayon ang ‘My Lady Boss’ with Richard Gutierrez and sinimulan ko naman ang isang bagong comedy with Ai Ai de las Alas. May pagka-action din ito at ang title namin as of now is ‘Kung Fu Divas’.”
Bakit may reputasyon siyang mataray siya? “Kasi nga may naglabas nung video na nagalit ako sa isang lalaki sa taping. E, binastos naman ako kaya binalikan ko siya. Lumabas yung pagka-Cavitenia ko. Hindi talaga ko paaapi. Wala naman akong gusot na nasangkutan na sa’kin nagmula. Pinagtatanggol ko lang ang sarili ko.”
Inagaw raw niya si Dingdong from Karylle? “Hindi, a. Wala na sila nang ligawan niya ko. Matagal pa bago naging kami. Hindi ko ugaling mang-agaw ng boyfriend na may boyfriend.”
Sobrang selosa raw siya? “Hindi naman. Kung wala namang dahilan para magselos, bakit ako magseselos. Saka at this point, masyado na kaming secure ni Dong sa isa’t isa. Wala ng mga selos-selos. Kahit makipag-love scene ako sa iba at ganun din siya, wala ng mga selosan. Tanggap namang part lang yun ng trabaho namin bilang artista.”
Bakit nagselos daw si Dong nang makita ang sexy pictorial niya sa FHM for January? “Hindi, a. Nagtataka nga kaming may lumalabas na ganun, e hindi naman totoo. Alam niya yung pictorial na yun.

Dati ay ayaw niyang mag-FHM. Bakit pumayag na rin siya? “Kasi maganda yung concept nila and it’s their 150th issue. Nilatag nila sa’kin ang balak nila at okay pati photographer kaya go na ako. Maganda naman lumabas, di malaswa. Happy ako sa feedback ng mga tao. Sa autograph signing nga, record breaker daw ako sa dami ng taong dumating. Sumakit ang kamay ko sa kapipirma pero okay lang, napasaya ko naman sila.”
Kamakailan ay bigla raw siyang isinugod sa ospital sa taping ng “Temptation of Wife”? “Inatake kasi ng sobrang sakit ng ulo. Sabi ng doctor, sobrang stressed daw kasi halos wala na kong tulog. Four times a week taping sa ‘Temptation’, tapos may dalawa pa kong movies na sinu-shoot, kaya grabeng pagod talaga ko. Pinagbabakasyon nga ako ng three weeks, e hindi naman puede.”
So kailan nila balak lumagay sa tahimik ni Dong? “As of now, hindi pa namin pinag-uusapan kasi pareho kaming busy sa aming careers. Sinasamantala muna namin ang opportunities na dumarating sa amin. Hindi naman namin ililihim when we settle down. Siempre, we’ll proudly announce it sa buong mundo.”

Comments are closed.