Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Pagtaas ng Datos ng Virus Cases

Ang muling pagtaas ng bilang ng virus cases sa buong mundo ay muling nakakagambala. Nagpalabas ulit ang CDC ng mas istriktong guidelines na dapat ay sundin ng mga tao sa buong mundo. Ang guidelines na ito ay ipinasa ng CDC sa bawat gobyerno ng iba’t ibang bansa sa mundo kung paano masasawata ang paglaganap muli ng COVID-19.

Anticipated na nila na kapag sumapit ang taglamig ay muling dadami ang kaso ng Covid.  Maaaring may ilang mga lugar na nag-relax at nakalimot sa pagsusuot ng facemask at nagsimula ng mag mass gatherings o kabi-kabilang pagpa-party.

Hindi pa rin nawawala ang mga matitigas ang ulo na ayaw sumunod sa safety regulations ng pamahalaan.   Ang akala nila ay natutunaw na ang virus, ang hindi nila alam ay nandyan lamang ito at naghihintay ng pagkakataon kung paano aatakihin ang biktima.

At sa pagbulusok muli ng virus ay mas naghigpit ngayon ang bawat rehiyon o lugar para ma-contain muli ang virus. Hindi naman ipinagbabawal ang mag-celebrate ng holidays pero dapat isipin natin na magiging ligtas ang buhay ng ating mga pamilya kung tayo ay susunod sa patnubay na ipinapalabas ng ating pamahalaan.

Family Gatherings

Sa panahon ng Kapaskuhan, hindi maiiwasan ang mag-selebra kasama ang pamilya.  Nariyan ang party at reunion. Pero dahil nga sa kasalukuyang sitwasyon ng mundo, mas safe ang umiwas muna sa gatherings tulad ng reunion o Christmas parties.  Ikonsidera na lang natin ang ating mga kamag-anak na matatanda na at syempre hindi natin alam na kung kayo ay magkaroon ng Christmas party kasama ang mga kaibigan, hindi ka sigurado kung isa diyan ay mayroon ng sakit at maaaring ito pa ang dahilan mag-spread ng virus. Dahil dikit dikit at walang social distancing at hindi naka-facemask. 

Nag-suggest ang pamahalaan na gawing safe ang party o gathering, sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng zoom cam o facetime.

Pag Travel

Mayroon pa rin na hindi mapigilan ang paglalakbay para mai-celebrate ito kasama ang kanilang malalayong kamag-anakan. Mayroon namang paraan para maging safe para sa inyo at sa inyong mga kamag-anak.  Kung nagpa-planong maglakbay ang buong pamilya,  gawin ang 14 days self quarantine.  Meaning, hindi pwedeng lumabas ng tahanan pwera lang kung may medical care na kinakailangan.  At kung lalabas man ng tahanan, gumamit ng face mask, huwag kalimutan ang social distancing at siguruhing ang kasalamuha ay naka-face mask din. Mahalagang sundin ang lahat ng safety measures bago bumiyahe at yung lugar na pupuntahan ay mahalaga ring i-check munang mabuti bago magpatuloy sa pagbibiyahe. Laging isaalang-alang ang safety mo, ng iyong pamilya at ang mga taong inyong pupuntahan.

In-Person Party

Kahit hindi naman nire-recommend, mayroon pa ring mga pasaway na gagawa at gagawa ng party at mag-iimbita ng bisita sa kanilang tahanan.  Nasa bisita na lang ang magpapasiya kung sila ba ay a-attend o mag be-beg off muna dahil sa kasalukuyang sitwasyon.

Precautions

Hindi nagkulang sa pagbibigay babala ang CDC at ang gobyerno ukol sa risk ng hindi pagsunod sa safety measures para maiwasang mahawa ng covid virus.  Kung ikaw ay magkakaroon ng in-person party, siguruhing magkakaroon ng good ventilation at air flow sa loob ng bahay kung saan magkakasama-sama ang mga bisita.  Buksan ang bintana at ilagay ang pinakamahusay ng filter sa inyong HVAC system. Isa pa sa magandang option ay sa labas gawin ang party at sundin ang social distancing (6 feet apart) at magsuot ng face mask. Laging sabihan ang guests na maghugas ng kamay at kung gagamit ng common bathroom ay i-sanitize ito, bago at pagkatapos gamitin. 

Mag-provide ng hand sanitizer para sa guests. Mas mabuting gumamit ng disposable utensils (paper plate, fork spoon knives).  Ang pinaka-mahalaga sa lahat ay huwag imbitahin ang matatanda sa inyong party o kung ang hosts ay may kasamang matanda sa bahay nila ay ilagay ito sa safe na kuwarto na hindi makakasalamuha ang guests.

Pag bisita sa kamag-anak

Hindi lahat ng tao ay gusto ang mag-travel sa panahon ng Kapaskuhan, pero mayroon din naman na hindi maiwasan ang bumiyahe (malayo man o malapit) dahil ito lang ang panahon nila para dalawin ang kanilang mga kamag-anak na nasa malayo man o malapit na lugar.  Pero kung ikaw ay wise, umiwas muna na mag-biyahe.  Sa sitwasyon natin ngayon ay maiintindihan naman ng ating kamag-anakan ang dahilan ng iyong hindi pagdalaw sa kanila.

Pero kung hindi maiiwasan na hindi magbiyahe, tandaan ang ilang paalaala;

  • Mas mainam ang malapit na biyahe (eroplano man o driving) kesa sa malayo.
  • I-konsidera ang mag-stay sa isang safe na hotel kesa mag-stay sa pamilyang dadalawin.
  • Huwag kalimutang magsuot ng face mask o face shield (sa loob ng eroplano o sa lugar kung saan ang iba ay hindi nagsusuot ng mask o shield).
  • Mag-quarantine sa loob ng 14 days pagkatapos dumating sa destinasyon. Ang layon nito ay para maging safe ang mga taong dadalawin.

COVID test

Bago magbiyahe ay sumailalim muna sa COVID test para makasigurong magiging ligtas ang inyong kamag-anak na dadalawin.  Ang tamang panahon na magpa-covid test ay 5 hanggang 8 araw kung ikaw ay exposed sa isang infected individual.  At kahit na negative ang result mo ay dapat mag-quarantine ka pa rin sa loob ng 14 days.  Kung sakaling ikaw ay mag-develop ng sintomas pagkatapos makakuha ng negative result, mangyaring kumuha ulit ng covid test para makasiguro.

Kung ating iisipin, dapat ba nating pagdaanan ang hirap na ito para lamang dalawin ang ating mga kamag-anak na taun-taon nating dinadalaw sa panahon ng Pasko?

Hindi naman siguro masama na kahit ngayong taon lang na ito ay ipagpaliban muna natin ang pag bisita sa kanila.  Hindi lamang para sa safety ng inyong mga kamag-anak kundi pati na rin sa inyong safety at maging ng inyong pamilyang sasama sa biyahe.

Laging tatandaan, ang pag-iingat ang siyang magliligtas sa atin sa kapahamakan. Sundin ang lahat ng restrictions ng ating pamahalaan.  Magiging masaya ang ating Pasko kung tayo at ang ating pamilya ay malusog at ligtas sa Covid-19.